CHAPTER 3

24.5K 437 18
                                    

Naiwan ako tulala sa kwarto pagkalabas ni Macky. Di ko ineexpect na after all these years may nararamdaman pa sya sakin. Simula ng mawala si Marquise wala na sya nabanggit o pinaramdam na ganun sakin pero ngayon bumalik sya ng biglaan at ganun ang sasabihin nya.

Naligo ako at nagbihis saka bumaba para kumain ng breakfast. Papalapit palang ako dinig ko ng malakas na tawanan ng mga anak ko at ni Macky. Di ko mapigilan ang mapangiti. They really miss him.

"Good morning mom!" masayang bati ng mga anak ko sabay halik sa pisngi ko.

"Good morning din babies ko." halik ko sabay hug sa kanilang dalwa.

Tumayo si Macky, hinawakan ang baba ko at hinalikan ng mabilis sa labi. "Good morning love." nakangiti ng nakakaloko sakin.

"G-good morning din..." saka mabilis ako umiwas at dumistansya sa kanya. Naiilang ako sa kinikilos nya pero di ko magawang pigilan dahil nasa harap kami ng mga anak ko, parang isang pamilya na kami kung titignan yun nga lang di ko asawa si Macky pero kung kumilos sya parang sya nga.

Tahimik ako kumain at di nakikisali sa usapan ng mga bata at ni Macky.

"Pwede ba tayo magusap sa library?" tanong ko pagkatapos namin magbreakfast.

"Mom makikipaglaro muna kami kay Dad." singit ni Mariam.

"Later baby pagkatapos namin magusap ng Mommy, okay?" sya ng sumagot. "Yaya pakipaliguan ng mga bata may pupuntahan kami." utos ni Macky sa yaya ng mga bata.

Nagpauna na ko pumunta sa library. Nakaharap ako sa bintana ng pumasok sya sa library.

"Ano ba ibig sabihin nito Macky? Babalik ka dito pagkatapos ganyan ang kilos na ipapakita mo sakin at sa mga bata. Ano ba gusto mo mangyari? Tell it straight to the point." diretsahang sabi ko.

Naramdaman ko sya palapit sakin. "Airam di pa ba naiintindihan? What ive said earlier is all true. Thats the truth. Nandito ako para iparamdam sayo na mahal na mahal kita. At handa na ko harapin yun magiging consequences ng pagmamahal ko sayo. Ilan taon ako naghintay dahil inisip ko rin ang nararamdaman mo at ng mga bata. Kahit ano pa sabihin at gawin mo mananatili ako dito for good. Di ako susuko hanggang mahalin mo na rin ako." madamdaming pahayag nito.

Natulala lang ako, di ko magawang makapagsalita, parang may bumara sa lalamunan ko at di ko magawang magprotesta sa pahayag nya, ramdam ko na buo ang loob nya at di na mababago pa ang isip. Naiwan lang nakabuka ang mga labi ko.

Mabilis nya lumapit sakin and claim my lips. Wala ako nagawa di ko sya magawang itulak. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at gulong gulo ang isip ko. Sa kabilang bahagi ng utak ko sinasabing tanggapin mo na sya Airam panahon na para sumaya ka, pero sa kabilang bahagi sinisigaw na mali ito dahil kapatid pa rin sya ng yumao kong asawa.

Nasumpungan ko nalang ang sarili ko na tumutugon sa halik na binibigay ni Macky. Lalong dumiin at siniil nya ako ng halik ng maramdaman ang pagtugon ko. Lahat ng harang ko tuluyan ng naglaho. Hindi ko akalain ganun nya ako kamahal. At ako? Mahal ko ba sya?

Ang tanong na yun ang nagpabalik sakin sa realidad. Naguguluhan ako.

Bakit ako bumibigay sa kanya? Mahal ko na nga ba sya? Pero kapatid pa rin sya ng asawa ko.

At saka nagflash sa isip ko ang huling sulat ni Marquise. Gusto nya na si Macky ang magiging kapalit nya... Oh God please help me.

Ginulo ng pagbabalik ni Macky ang puso ko...

SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant