CHAPTER 21

11K 210 1
                                    

Nakatali ang mga paa at kamay ko. Nakapiring ang mga mata. Nakikiramdam kung ano na ba ang susunod na mangyayari.

Tahimik...

Sana sa kabila ng pagpayag ko sa kagustuhan ni Eiden maintindihan at mapatawad ako ni Macky. Alam kong mahal ako ni Macky simula noon hanggang ngayon ngunit di ko binigyan ng pansin dahil mahal na mahal ko si Marquise. Marami nang nangyari sa mga buhay namin. At sa lahat ng yun si Macky ang nasa tabi ko. Habang tumatagal nahulog ang loob ko sa kanya dahil di naman sya mahirap mahalin. Mali man sa paningin ng nakararami na pagkawala ni Marquise ay mahalin ko rin ang kapatid nya. Hindi dahil sa huling hiling ni Marquise kaya naging kami ni Macky. Alam ng Diyos na mahal ko si Macky ng totoo. Maswerte ako sa kanya dahil lahat ng hahanapin ng isang babae sa isang lalaki nasa kanya na. Wala na ko mahihiling pa.

Mabigat sa loob ko ang pagpayag kay Eiden but I dont have any other choice. I know safety din ng mga bata ang uunahin ni Macky kung sya ang nasa kalagayan ko.

Naputol ang pagiisip ko nang makarinig ako ng putukan...

Anong nangyayari? Ang mga anak ko!

"Wag kang kikilos kung hindi pasasabugin ko ng tuluyan ang ulo mo!" sigaw ni Eiden.

"A-anong n-nangyayari?" nanginginig ang boses sa takot na tanong ko.

"Maam kailangan na po natin tumakas paakyat na sila dito at napatay na karamihan sa tauhan natin!" imporma ng isang tauhan ni Eiden.

"Bitbitin na ang babaeng yan!"

Hinawakan nila ako sa magkabilang braso at pilit isinasama sa kanila.

"Ano bang nangyayari? Eiden nagusap na tayo diba? Pumayag na ako sa gusto mo. Pakawalan mo na kami ng mga anak ko. Bitiwan nyo ko!" pagpiglas ko mula sa pagkakahawak nila.

"Wag na madaming sinasabi at tanong! Sige dalhin na yan!"

Hinila nila ako at isinama. Wala ako nagawa kahit magpipiglas ako sa pagkakahawak nila dahil malakas sila. Natakot din ako na baka bigla nalang ako barilin ng di ko pa nakikita mga anak ko. Hindi ko alam kung san nila ako balak dalhin.

"Damn him! Macky knows where we are pero di ako papayag na mahuli nya at makuha ka nya!" sigaw nito.

"Maam bad news po. Nakuha na po nila ang mga bata. Pinapasabi po ni Tonyo." dinig ko sabi ng isa kay Eiden.

Thanks God ligtas na mga anak ko. Maraming salamat po...

Napigil ko ang paghinga dahil sa sinabi ni Eiden.

Wala syang balak ibalik ako kay Macky. Anong plano nya talaga? Nasisiraan na talaga ng ulo ang babaeng to.

Macky please iligtas mo ako...

"WALANG gagalaw!" sigaw ng nasa likuran namin pababa ng hagdan. "Napapalibutan na namin kayo kaya sumuko na kayo!"

"Hinding hindi ako susuko!" parang nababaliw na sigaw ni Eiden. May humila sakin at di ko na alam kung nasaan ako.

May nagpaputok ng baril.

Napaupo ako at nanginginig sa takot.

Nagpalitan ng putok ng baril. May humila sa buhok ko, napatayo ako at naramdaman ko ang malamig na dulo ng baril sa sentido ko.

Kailangan ko maging matatag at makauwi ng ligtas sa mga anak ko at kay Macky. Kailangan ko maging matapang. Hindi ako pwedeng matakot.

"Sige! Magpaputok kayo! Papatayin ko ang babaeng to!" sigaw ni Eiden.

"Sumuko ka na. Wala ka na laban samin." mahinahong sabi ng nasa harapan namin, pulis.

"Hindi ako tanga para gawin yan! Ayokong makulong!!!" galit na sigaw nito.

"Sumama ka ng maayos at pakawalan si Ms Airam para hindi na tayo magkasakitan." mahinahong sabi kay Eiden.

Wala ako makita dahil sa piring na nasa mata ko. Nakikiramdam lang ako sa mga susunod na mangyayari.

"Eiden. Pakawalan mo na si Airam. Ako ang gusto mo hindi ba?" mula kung saan narinig ko ang boses ni Macky. "Sumama ka sakin at lalayo na tayo dito. Pangako. This time sasama na ko sayo."

"Totoo ba yan Macky?"

"Oo Eiden kaya pakawalan mo na sya at magsasama na tayo. Pangako." dagdag pa ni Macky.

Dahan dahan naramdaman ko ang pagalis ng baril na nakatutok sakin at ang pagluwag ng kamay na nakahawak sakin.

"Ibaba nyo na mga baril nyo." utos ni Eiden sa tauhan nya.

Nanatili akong nakatayo. Tinanggal ko ang piring sa mga mata.

Lumapit si Eiden kay Macky at niyakap ito at umiyak.

"Mahal na mahal kita Macky kaya ko nagawa ang lahat ng to." parang batang umiiyak na nakasubsob sa dibdib ni Macky si Eiden.

"I know and im so sorry." hinahagod ni Macky ang likod nito habang nakatingin sakin.

Naglapitan ang mga pulis at nakaunipormeng nbi at pinosasan ang mga tauhan ni Eiden na natira.

"Lalayo na tayo Macky. Sasama ka sakin. Diba sabi mo." nagsisiguradong ani nito.

"Oo." maiksing sagot nito at niyakap si Eiden.

Masakit makitang may kayakap na iba si Macky. I know may plano sya. May tiwala ako sa kanya.

Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa ni Eiden Kitang kita ko sa mga ni Macky na sinasabing wag muna akong lalapit at sumama sa mga pulis. Niyakag ako ng mga pulis na sumama sa kanila ng tahimik, walang kibong sumunod ako at sumama sa kanila.

Naiwan si Macky at Eiden sa loob ng building.

May tiwala ako sa kanya pero pakiramdam ko ang bigat pa rin sa loob ko na makitang may kayakap syang iba.

Hanggang nakasakay na ako sa ambulance lumipas ang kalahating oras wala pa ring Macky na bumababa mula sa building...

SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora