CHAPTER 4

18K 340 3
                                    

Iniwasan ko si Macky ng mga sumunod na araw. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho at umuuwi ako ng late sa gabi. Nakakalungkot lang na sa pagiwas ko nawawalan ako ng time para sa mga anak ko.

Nagtaka pa ako ng paguwi ng gabing yun na patay ang ilaw sa loob ng bahay. Nasa gate palang ako napansin ko ng parang walang tao. Tahimik ako pumasok ng pinto.

"Bakit mo ginagawa to?" mula sa dilim ng salas naaninag ko ang bulto ni Macky na nagsalita, sabay bukas ng lampshade sa side table, nahinto ang pagbubukas ko sana ng ilaw.

"Anong sinasabe mo?"maang maangan na tanong ko sa kanya.

"Alam mo kung ano ang ibig ko sabihin!"mataas ang boses at ramdam ko ang hinanakit nya.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabe mo. Pagod ako gusto ko ng magpahinga."dali dali ako umakyat ng hagdan at dumiretso sa kwarto ko, di pa ko nakakapagbukas ng pinto may kamay ng pumigil sa braso ko at pumalibot sa bewang ko.

"Kinakausap pa kita Airam."halos pabulong na sabi ni Macky sa tainga ko, ramdam na ramdam ko ang mainit na singaw ng katawan nya sa likod ko.

"Macky please im so tired I want to take a rest now..." mahina ang pagkakasabi ko sa kanya, di ko maikakaila ang epekto nya saken tuwing andyan sya at nasa malapit, at natatakot ako sa feelings na unti unti bumabalot saken.

Hinarap nya ko sa kanya, mainit na halik nya ang sumalubong saken, nawawalan na ako ng lakas at aminin ko man o hindi gusto ko ang halik na binibigay nya sakin.

Tuluyan na ko bumigay sa kanya at tinugon ang halik nya. Binuksan nya ang pinto ng kwarto ko hanggang makaramdaman ng mga binti ko ang gilid ng kama.

"Macky...." I moan his name.

"I love it baby when you moan my name..." he said between our kisses. "But I can wait hanggang ikasal tayo." pareho kami habol ang hininga ng tinapos nya ang halik.

Nabigla ako sa sinabe nya. Di ko inaasahang may ganun sya plano.

"KASAL?!!!" napabalikwas ako at naitulak sya ng malakas dala ng pagkabigla.

SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)Where stories live. Discover now