CHAPTER 1

38.6K 435 8
                                    

IBINUHOS ko lahat ng atensyon ko sa trabaho at mga anak ko. Ang dalawang anghel na iniwan ni Marquise ang nagsilbing lakas ko para ipagpatuloy ang buhay ko kahit ilan taon na syang wala.

Simula ng mawala si Marquise. Hindi kami pinabayaan ni Macky. Sya ang tumayong ama ng mga anak ko na pamangkin nya. Kahit minsan di nya kami kinalimutan kahit na nasa France sya namamalagi at lagi sya present sa lahat ng mahahalagang okasyon.

Napangiti ako ng maalala ko sa Macky. Matagal tagal na din ng huli kami nagkita. Kamusta na kaya sya...

Naputol ang pagmumuni muni ko ng pumasok ang mga anak ko sa kwarto.

"Mom can we call Dad? We miss him so much. Matagal na namin sya di nakakasama." lambing ni Mariam at Marqie sakin.

Yes, Dad ang tawag nila kay Macky dahil sa kagustuhan na rin ni Macky na may makilalang mga ama ang mga pamangkin, pero malinaw sa mga ito na si Macky ay uncle nila.

Kunwari'y nagiisip ako. "Pagiisipan ko muna..." Napasimangot ang magkapatid.

"O sige pero sandali lang ha? Kailangan maaga kayo matulog bawal sa bata ang napupuyat."

"Yes mom!" Mabilis na sagot ng mga ito. Nagdial ako at tinawagan si Macky. Palaging operator lang ang sumasagot. Nakailan dial rin ako pero di ko talaga macontact.

"Mom what's wrong?" Tanong ni Mariam.

"Di ko macontact si Dad nyo e. Bukas nalang ng umaga tatawagan ulit natin baka busy sya ngayon e. Matulog na muna kayo bukas na bukas ay tatawagin natin sya. Okay?" Nakangiting paliwanag ko.

"Okay mom. Goodnight." sabay na sabi ng mga ito at lumabas na ng kwarto ko.

Kinabahan ako dahil kahit kailan ay di nagpapatay ng phone si Macky. May nangyari kaya? Ayoko magisip ng hindi maganda pero bakit ang lakas ng kaba ng dibdib ko.

Nakaramdam ako daliri na humahaplos sa mukha ko.

Panaginip lang ba ito? Bakit parang totoo?

Pinakiramdaman ko muna at hindi agad nagmulat ng mata.

Laking gulat ko ng bigla may dumampi na mga labi sa labi ko. Saka marahas na iminulat ko ang aking mga mata at namangha ng makilala kung sino ang lalaking humahalik sakin. Hindi ko mapaniwalaan kung sino ang lalaking nasa harapan ko.

SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)Where stories live. Discover now