CHAPTER 16

12.5K 267 5
                                    

NO matter how hard I try to control my anger and jealousy lumabas pa din at di ko napigilan.

I told him I dont want to see him at talk to him. I came home late dahil gusto ko umiwas. Gusto ko muna kumalma at makapagisip.

Paulit ulit na nagrerewind yun halikan nila ni Eiden. Naalala ko nun nahuli ko si Marquise and Gigi noon. Parang nauulit ang nakaraan. Hawak ni Gigi sa leeg si Marquise noon then now si Eiden she knows the secret and plans of Macky.

She told me everything at naguguluhan ako. Macky told me to trust him. When he explain what happened he was looking into my eyes without blinking, pinaramdam nya sakin na dapat ko sya paniwalaan at pagkatiwalaan, pinaramdam nya na nagsasabi sya ng totoo.

It was 3am and im still awake. Macky didnt attempt to sleep in our room. Lumabas ako and look for him. Inisa isa ko ang guest room pero wala sya. Dumiretso ako sa library. And there he is. Hawak ang phone at nakaharap sa bintana.

"Yes Attorney." sagot nito sa kausap, I know masama makinig pero bigla ako kinutuban kaya nanatili ako nakikinig.

"If that's what they want. Walang mawawala sa company kung bawiin nila ang shares. Pinagaralan ko ng lahat. And I want them out." patuloy nito, may bakas na galit ang boses.

"Yes. Airam believed all her lies. I dont know yet what Eiden's said to Airam but Im really sure masasama ang mga pinagsasabi nya. Diretso ang kaso Attorney."

"Sinisira nya kami ni Airam at masisira din ang plano natin dahil kay Eiden." sabi nito na nakapagpataka sakin.

Plano???!

Ano nga ba plano Macky?!

"Tuloy ang plano Attorney. Kailangan mailipat lahat ng mga naiwan ni Marquise sa pangalan ko. I want Airam out of..." naputol ang pagsasalita nito.

Napakapit ako sa doorknob dahilan para bumukas ang pintuan.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Macky. Nabitawan ang phone.

Nanginginig ako, mabilis ako tumakbo pataas pabalik sa kwarto.

"Airam!" tawag nito.

Mabilis nya ako naabutan.

"Anong narinig mo?" tanong nito.

"Enough lang para marinig ang plano mo." lumuluhang sagot ko.

"Airam please listen to me. Trust me with this. In God's perfect time I can explain to you everything one by one." nagsusumamong sabi nito hinahawakan ang mukha ko para maiharap sa kanya.

"No Macky! I promised na iingatan ko lahat ng mga iniwan ni Marquise. Yun nalang ang ala ala nya samen kukunin mo pa?! Kaya ka pala ganyan sakin noon hanggang ngayon dahil sa mga maiiwan ni Marquise! Pera lang pala ang katapat mo!" galit na sigaw ko.

Gulat na gulat si Macky. Nabitawan nya ang hawak sa mukha ko.

"Nagulat ka ba dahil alam ko?! Well Eiden told me. Alam ko ng plano mo! Gusto ko na ng annullment Macky. Ginamit mo lang ako at mga anak ko." pinukol ko sya ng masamang tingin.

"Trust me Airam please..." pagsusumamo pa rin nito.

"Trust you?! How Macky?! Sabihin mo sakin ang lahat baka sakaling maintindihan pa kita!"

"Ok. Please calm down. I will tell you the real reason and the real plan." pinaupo ako nito sa sofa sa loob ng library, naupo sya sa harapan ko at sapo ang ulo.

"Speak..."

"Nilihim ko sayo ang lahat dahil ayoko madamay ka sa problema ng kompanya. Unti unti na nalulugi ang kompanya Airam. Hindi ko alam sino ang nagpapabagsak sa kompanya. I recieved threats. Even Marquise nun buhay pa sya. Kahit ano gawin namin ni Attorney wala kami magawa. Nag hired kami ng private investigator para malaman sino nasa likod ng lahat. Malapit na tayo mabankcrupt Airam. Ayoko sana gawin ang suggestion ni Attorney na kunin ang mga naiwan ni Marquise sainyo but yun ang kailangan para maisalba ang mga negosyo natin." halos sabunutan na nito ang ulo nya.

"What?! Kung totoo yan bakit di nyo pinaalam sakin noon pa?!"

"Ayaw ni Marquise." lumuhod ito sa harapan ko. "Please babe believe me totoo mga sinasabi ko."

"And Eiden, why do you want them out in our company?" tanong ko.

"I want them out dahil sangkot sila sa illegal na negosyo at hindi dapat tayo madamay dahil mas lalo tayo babagsak kapag nasangkot tayo sa kanila."

"Maniniwala ba ako? I saw you two kissing. How can I trust you?!" lumuluhang sabi ko sobrang sakit sakin ng part na yun pakiramdam ko nauulit ang nakaraan, si Gigi at Marquise noon, si Eiden and Macky ngayon.

"Pinaliwanag ko na yan sayo babe. Please believe me. God knows how much I truly love you." lumuhod ito at niyakap ako.

Tahimik kami umiiyak sa library. Nakayakap sya sakin. Pinasan nya ang lahat ng problema ng magisa. I pity him. My dear Mackenzie.

"Please babe. Trust me. Believe in me. Gagawin ko ang lahat wag lang tayo bumagsak. Wag lang masira ang pamilya natin. Mahalaga kayo sakin. Kayo ang pamilya ko. Kayo ang buhay ko. Hindi ko hahayaan mawalan ng trabaho ang mga umaasa sa kompanya natin. Gagawin ko ang lahat. Kakayanin ko ang lahat. Just please dont leave me and stay with me." umiiyak na sabi nito, sa kagwapuhang taglay ni Macky, sa kakisigan at katalinuhan nito, lalaking lalaki ang dating, di nahiya umiyak sa harapan ko.

"Ipauubaya ko sayo ang lahat ng iniwan ni Marquise. I still have my own business. Kakayanin natin to. Hindi ako mawawala nandito lang ako hanggang huli." niyakap ko sya ng mahigpit to give him assurance.

"I love you babe. Thank you so much." hinawakan nito ang mukha ko at tinitigan.

"And I love you too." ngumiti ako sa kanya at niyakap sya.

"Hindi ko papayag na masira tayo ni Eiden. Aalisin ko sila sa kompanya para di na makapanggulo satin."

Tumango ako. Deep inside. Naramdaman ko ang pagiging totoo ni Macky sa lahat ng sinabi nya. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko matulungan ko lang sya sa mga problema. This will be a lesson to me hindi na ko maniniwala sa mga gaya ni Eiden at makikinig, magtitiwala at maniniwala lang ako sa asawa ko.

SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon