CHAPTER 12

13.6K 301 3
                                    

Di ko inaasahan ang biglang pagsulpot ni Eiden sa kasal namin ni Airam. Inaasahan ko na pagbalik ko sa Pilipinas tapos na din ang lahat samin. Masisira nya ang mga plano ko. Natuklasan nya ang lahat at dahilan ng pagbalik ko ng di sinasadya. Nagaalala ko sa pagdating nya masira agad agad ang nasimulan kong buhay. Di nya matanggap na ayoko na sa kanya. Actually wala naman talaga kami formal na relasyon. Tinapat ko sya una palang pero di ko hawak ang isip nya dahil naobsess sya sakin hanggang sa lumala na yun. Bumalik ako sa Pilipinas for good at para harapin na din ang nararamdaman ko para kay Airam. I love her so much...

I left a note for her because I need to be in the office at 6am.

"Babe I know naguguluhan ka sa mga nangyayari but please trust me. You can ask me anything and everything you want to know. I will answer you honestly."

Sana kausapin nya ako. Mas nakaka-kaba kapag tahimik sya at hindi kumikibo. Hindi ko alam kung ano mga tumatakbo sa isipan nya.

Natapos ang board meeting at dumiretso ko sa office ni Airam ngunit wala sya. Labis ako nagaalala, tinatawagan ko pero walang sumasagot. I also texted her pero walang reply.

Umuwi ako agad agad sa house to find out na wala sya. Wala ang mga gamit nya. Wala din ang mga bata.

"Sir. Maaga po umalis si Maam. Iniwan nya po ito sakin." inabot ni manang ang iniwan nya sulat.

Macky,

Im sorry kung umalis ako ng walang paalam sayo, kahit na ano idahilan ko sa sarili ko di mawala wala ang doubt dito sa puso ko, kahit ano tulak ng isip ko still andun pa din ang doubt. Sa lahat ng tao ikaw ang nakakaalam ng mga pinagdaanan ko. Sana maintindihan mo ako. I just need a space. I promise. Kapag ready na ko makinig sayo. Babalik ako. Wag mo na kami hanapin. Bye...

Airam...

NO!!! sigaw ng isip ko. Mabilis na dinial ko number ni Airam pero out of coverage na.

"Manang!" sigaw ko.

"Yes sir?" tanong nito na di makatingin.

"Ano oras pa sila umalis?!" di ko mapigilan ang galit ko.

"Pagkaalis nyo po Sir kasunod nyo na po umalis sila Maam. Wala po sinabi basta inabot lang po ang sulat."

"Sige bumalik ka na sa trabaho." utos ko.

I dialed her number pero wala pa din nasagot. Nagtry ako itrack sya using GPS pero nakaoff ang GPS nya.

Oh Airam why did you do this to me? Kakasal palang natin, I told you to trust me... naiiyak na napasabunot nalang ako sa sarili ko.

DALAWANG linggo na ang nakakalipas wala pa din ako natatanggap na kahit ano tawag o message galing kay Airam. Kahit sa opisina hindi din sya pumapasok. Wala ako idea kung nasan sya. Nasaan man sya sana nasa maayos silang lagay ng mga bata. Miss na miss ko na sila.

Nabalik ang isip ko ng tumunog ang intercom.

"Sir nandito po sa labas si Miss Eiden Varga, papasukin ko po ba?"

"Yes sige." kailangan magkalinawan kami para matigil na ang kabaliwan nya.

"Hi sweetie!" bati nito sabay lapit sakin para halikan sana ngunit mabilis ako umiwas at tinanggal ang pagkakayakap nya.

"Eiden please wag mo gawin to at tigilan mo na ako." walang paligoy ligoy na sabi ko.

"Why? Iniwan ka na ba nya?" napatingin ako sa kanya na may pagtataka.

"What did you just say?" galit na tanong ko.

"Iniwan ka na nya?" sabay tawa na parang dimonyo.

"May kinalaman ka sa pagalis ng magiina ko?!" galit ng tanong ko.

"What if i say yes? Anong gagawin mo sakin?"

"Anong ginawa mo para iwan nila ako?!" pinipilit ko huminahon kahit gustong gusto ko na sakalin ang babaeng nasa harapan ko.

"I send her a voice recorder." bakas sa ngiti nito na tuwang tuwa sya sa ginawa.

"Voic recorder?!" tumaas ang boses na pagkakasabi ko.

"Yes, gusto mo pakinggan? May copy ako." ngiting ngiting sabi nito.

"Babalik ako sa Pilipinas para pakasalan si Airam. Kailangan ko ang shares na iniwan ni Marquise para sa kanila. Saka ako babalik dito."

"Pakakasalan mo sya? Pano ako?"

"Oo kailangan maging legal konsya asawa para sa plano ko."

"Kailangan pa ba talagang gawin mo yan? I can talk to my Dad and give you money if you want. Please honey dont leave me."

"No Eiden I need to do this. Please understand. At wag mo ako susundan sa Pilipinas. Masisira ang mga plano ko. Okay?"

"Okay. I promise!"

Gulat na gulat ako sa narinig ko voice record ng paguusap namin ng huli kami nagkita. Di ko akalain na magagawa nya yun sakin at gagamitin para masira ako at mga plano ko.

"So honey? What can you say?" nangaasar na sabi nito.

"Leave me alone you crazy whore! Habang nakakapagpigil pa ako lumayas ka na sa haapan ko!!!" galit na galit na sabi ko.

"I will leave you for now honey." naglakad ito palabas ng opisina.

Parang nauupos na kandilang napaupo ako sa swivel chair ko. Sapo sapo ko ang ulo ko at nanghihinang napapailing.

Kaya pala dali dali ako iniwan ni Airam ng walang paalam. Di manlang nya pinakinggan ang paliwanag ko. Kailangan ko ng kumilos para mahanap ang magiina ko. Hindi na ako makakapaghintay sa pagbabalik nila at ang space na hinihingi nya hindi ko na kayang pagbigyan. Ngayon alam ko na ang tunay na dahilan ng pagalis nya ng biglaan.

Dinampot ko ang phone ko at lumabas ng opisina.

"Bro! Napatawag ka?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Bro kailangan ko serbisyo mo. Ipapahanap ko ang magiina ko. Kailangan mahanap mo sila sa lalong madaling panahon. Two weeks na simula ng umalis sila at wala ako idea kung nasaan sila. Nakaoff ang gps ng phone ni Airam at di nya sinasagot ang tawag ko nun una ngayon nakaoff na." walang paligoy ligoy na sabi ko.

"Chill bro! Okay hahanapin ko sila. Tatawagan kita kapag may lead na." sagot ni Howard Ortega isa sa sikat na imbestigador sa bansa at matalik ko kaibigan.

"Thanks Bro!"

Lihim ako nanalangin na sana mahanap agad ang magiina ko. Hindi ko na kayang lumipas ang mga araw na wala sila sa piling ko.

Naisahan ako ni Eiden. Makakabawi din ako sa ginawa nya. Di ko akalain magagawa nya sakin ang ganun bagay.

Dahil sa pagiwas ko masaktan sya noon at masira ang pagkakaibigan namin ng ama nya pinili ko magsinungaling dahil alam ko rin na obsses na sya sakin.

Ngayon ang pamilya ko ang nasira.

Ipapahanap ko kayo Airam san man sulok ng mundo. Ipapaliwanag ko sayo lahat lahat oras na magkita tayo.

SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon