CHAPTER 11

13.3K 281 3
                                    

Parang binibiro talaga ako ng tadhana sa mga nangyayari, pareho lang ba sila ng kakambal nya? Di ko pa ba ganun kakilala si Macky? Sa mukha ni Macky mababasa ko na di lang basta kaibigan ang namamagitan sa kanila ng babaeng nasa harapan namin. Puno ng pagaalalang tumingin sya sakin.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, naghihintay ako ng eksplenasyon sa kung ano ba meron.

"Alam ko nagtataka ka. Why dont you ask Mackenzie who am I to him. Para malinawan ka." sabi nito.

"Or do you want me to introduce myself huh Mackenzie?" ngumisi sya at tumingin ng parang nakamamatay kay Macky.

"Macky?" tawag ko sa kanya.

Lumapit sa babae si Macky.

"Please Eiden don't do this to me. Katatapos lang ng kasal namin. Wag ka manggulo. Pagusapan nalang natin to sa ibang araw." nakikiusap na sabi ni Macky.

Tumawa ng parang nababaliw ang babaeng tinawag ni Macky na Eiden.

"Sorry everyone!" mabilis na naglakad palabas ang babae.

Puro nagtatanong na tingin ang pinukol ng lahat kay Macky.

"Im sorry everyone. I can explain it later sa reception." paliwanag ni Macky.

Lumapit si Macky sakin na puno ng pagaalala ang mababakas sa mukha.

"Airam sorry gumawa pa ng eksena ang babaeng yun. Wag ka na sana magisip ng iba. I can explain everything. Okay?" pagpapaunawa ni Macky.

Tango at pilit na ngiti lang ang naging sagot ko. Mahirap mawala ang duda sa isip at puso ko. Dahil alam ko at nararamdaman ko may kakaibang nangyayari. Mananahimik nalang muna ako at maghihintay nalang ng paliwanag nya.

"Alam ko marami ang nagtataka sa naging eksena sa simbahan kanina. Sya po si Eiden. Di ko akalain na hanggang dito sa Pilipinas susundan nya ako at aabot sa ganito ang sakit na meron sya. May mental problem si Eiden at wala kami naging relasyon. Naging mabait ako sa kanya dahil isa sya sa anak ng isang investor ng kompanya. Pasensya na kayo lahat sa nangyari. Pasensya ka na Airam." hinging paumanhin ni Macky.

Lumapit si Macky sakin. "Im so sorry babe." hingi paumanhin ni Macky.

"Its okay. I understand." sabi ko nalang kahit na naguguluhan pa rin ang isip ko sa mga nangyari, may parte sa isip ko na sinasabing wag ako maniwala, puno ng doubt ang puso ko.

Since wala na ako sa mood. Hindi na natuloy ang honeymoon namin sana sa Hawaii.

"Babe okay ka lang ba? Ang tamlay mo, dahil ba sa kanina? Pasensya ka na talaga." nagaalalang hinipo nito ang noo ko.

"Okay lang ako Macky wag ka na magalala, pagod lang siguro ako. Magpapahinga nalang muna ako. Sorry." pagdadahilan ako at mabilis na tumalikod sa kanya.

Naramdaman ko na humiga na din sya at yumakap sa bewang ko. Nagkunwari ako na nakatulog na.

"Mahal na mahal kita Airam sana wag mo ko pagdudahan. Goodnight." bulong nya sa tainga ko.

Palihim nalang ako napaluha. Hindi ko alam kung ano ang totoo. Magtitiwala at maniniwala nalang ako sa kanya.

SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat