CHAPTER 15

12.5K 250 7
                                    

NAGISING ako na wala si Airam sa tabi ko kaya bumangon agad ako at hinanap sya. May kasalanan ako nagawa kagabi sa kanya super late na ako nakauwi dahil nagkayayaan ang mga investors, di ko inaasahan nandun si Eiden at sinundan ako hanggang makauwi. Nagring ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Airam.

"Hello babe good morning!" tanong ko ng makita ko sya ang caller.

"Tumawag lang ako para ipaalam na pumasok ako ngayon sa office." may kakaiba sa boses nya, it seems cold and no emotion.

"W-what? Why? I told you babe you can do your work here." takang tanong ko, stubborn woman.

"Marami ako aasikasuhin. Wag ka na pumasok at magpahinga nalang. Bye." then she ended the call.

Sigurado ako galit sya. I feel it. Imposible naman na nakita nya kami kagabi ni Eiden. Tulog na sya ng pumasok ako. Nagmadali ako naligo at nagbihis. Kailangan ko sya makausap.

"Manang kayo na po muna bahala sa mga bata. Baka malate na kami makauwi ni Airam." bilin ko saka umalis papunta sa company.

PUMASOK ako sa office ni Airam kahit na sinabihan ako ng secretary nya na bawal sya istorbuhin ng kahit sino. Kahit ako pa!

"Babe..." lumapit ako sa kanya na di manlang sya nagaangat ng tingin kahit na tinawag ko sya, hindi nya ako pinansin na para ba hindi ako nagexist sa harapan nya ngayon. I conclude galit nga sya, gising ba sya nun nakauwi ako at nakita nya ba kami ni Eiden?

Nilapitan ko sya at pumwesto sa likuran nya. I hug her from behind. Kissing her neck.

"Im so sorry for coming home so late. I know your mad." hingi ko ng paumanhin.

She stop what she's doing at nagangat ng mukha.

"You know Macky I dont care. Can't you see? Tons of paper works. Im busy. Get out now." malamig na sabi nya.

"Babe please talk to me. Im really sorry. Nagkayayaan ang mga new investors natin that's why I came home so late. Hindi na mauulit. I promise." tinatanggal nya ang pagkakayakap ko sa kanya pero di ko sya hinahayaan na makawala sa bisig ko.

"Please Macky ayoko makita ka at makausap. If you want you can go to Eiden and I dont give a damn." she said in a cold voice, poker face and no emotion.

"You saw us..." bulong ko. "I can explain..."

Tumayo sya at hinarap ako.

"Look Macky. I. DONT. CARE!" galit nya akong tinignan.

"Babe I can explain. Please listen to me." nanatili ako at di natinag, she need to hear my explanation. "Yes Eiden is with us, God knows I tried my very best to ignore her, umiwas ako kahit kaharap ang Dad nya, hanggang matapos, umuwi ako and I was about to open our gate nun nakita ko na sinundan nya ako. She beg na bumalik na kami sa dati. Pero wala namang KAMI dati. I told you she is obsessed and crazy over me. She wants me. She kissed me pero tinulak ko sya. She cursed then left." diretso akong nakatingin sa mga mata nya, hoping na sana maramdaman nya na nagsasabi ako ng totoo, God knows how much I love her at di ko magagawang lokohin sya. Simula noon hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin sya.

Nakatingin lang sya sakin. Walang reaction. Nagtitigan kami hanggang nagbaba sya ng tingin.

"Get out now Macky. I dont want to talk to you and see you. So please leave me alone just for now." tumalikod ito at umupo muli, diniretso ang ginagawa.

Bagsak ang balikat na lumabas ako ng office nya. Bibigyan ko muna sya ng space na makapagisip. Naguguluhan pa rin ako buong araw ako lutang at hindi makapagtrabaho ng ayos. Kinakamusta ko sya sa secretary nya at sinabi nito na di ito naglunch kanina. Maaga ako umuwi para ipaghanda sya ng dinner. I want to make it up to her.

"Nandyan na Mam Airam nyo?" tanong ko sa guard namin habang binubuksan ang gate para sakin.

"Wala pa po sir. Sir nun nakaraan po may babaeng pumunta dito. Sumama po si Mam Airam sa kanya." pagrereport nito sakin.

"Babae?"

"Oho, Eden po ata pangalan nun." patuloy nito.

"Eiden!" pumasok ako sa bahay at pinaghanda si Airam ng dinner, nakikipagbonding ako sa mga bata habang naghihintay sa kanya.

8pm wala pa rin sya kaya pinauna ko ng kumain ang mga bata at pinatulog. Cannot be reach ang phone nya. Nagaalala na ako kaya ang secretary nya ang tinawagan ko at nagoovertime daw ito.

11:58pm ng marinig ko ang pagpasok ng sasakyan nya. Nakapatay ang lahat ng ilaw. Tanging lampshade lang ang bukas sa living room.

Pumasok sya ng pintuan at diretso na sa hagdan. Hindi nya ako pinansin kahit na nakita nya ako naghihintay.

"Airam we need to talk." kalmadong sabi ko, huminto sya.

"Wala tayong dapat pagusapan Macky." matigas nitong sabi.

"Meron. Alam ko nagpunta dito sa Eiden."

"Yeah pumunta sya dito at sinabi lahat ng sikreto at plano mo." galit na saad nito.

"What? Anong sikreto at plano?" takang tanong ko, bumaba sya ng hagdan at lumapit sakin.

Sinampal nya ako ng napakalakas. Galit na galit ang mga mata na nakatingin sakin. Anong sikreto at plano? Anong kasinungalingan ang sinabi ni Eiden sa kanya? Gumagawa na sya ng paraan para masira ang pamilya ko pero hinding hindi ko hahayaan mangyari yun.

"Alam ko ng lahat lahat Macky. Lahat ng sikreto at plano mo kaya ka nagbalik. Kaya una palang lumalapit ka na sakin. Kaya pala ang bait bait mo at lagi ka nandyan para sakin noon hanggang ngayon. Kaya pala! Dahil may hidden agenda ka!" Umiiyak na tumakbo si Airam paakyat ng hagdan.

Hindi agad ako nakakilos para sundan sya. I told her to trust me. Pero kahit konti wala ba sya tiwala sakin? Naniwala agad sya sa mga kasinungalingan ni Eiden? Anong sikreto at plano ba mga pinagsasabi ni Eiden para magkaganito si Airam?

Sinundan ko sya sa silid namin pero nakalock ito. Mukhang matutulog ako ngayon sa guest room?

Maybe she needed space to to think. Hahayaan ko muna sya makapagisip at matimbang ang totoo. Kailangan tapusin ko ng kahibangan ni Eiden bago nya masira ng tuluyan ang pamilya ko.

SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)Where stories live. Discover now