Chapter 1

82.8K 3.3K 1.5K
                                    

Simula...


"BAKIT SA PUBLIC SCHOOL KA NAG-ENROLL?"


Tatlong araw na mula nang pasukan, pero hindi pa rin maka-move on si Mama. Ang usapan kasi ay sa Bethel Academe na ako mag-si-senior high ngayong taon, pero hindi ako dumeretso roon. Katulad lang din noong junior high ako, naisahan ko na naman si Mama.


"Kaya naman pala hindi ka pumayag na ako ang sumama sa 'yo mag-enroll, may balak ka pala na doon sa Gov magtuloy ng senior high. Kinuntsaba mo na naman ang Tita Judy mo." Si Tita Judy ay sisteret ni Mama at ang aking greatest tita of all time. Spoiled ako roon at lahat ng trip ko sa buhay ay sinusunod.


Nagkamot ako ng pisngi. "Okay lang naman ako po ako sa public. Saka nasa Science Class naman ulit ako ngayon. Kaunti lang kami sa room at maraming fan sa loob. Saka makakatipid tayo sa tuition, ayaw niyo ba niyon?"


"Kaya nga nasa abroad ang papa mo ay para maibigay ang lahat sa 'yo. Isang anak ka lang kaya bakit ka namin titipirin kung kaya naman namin?"


Niyakap ko siya at hinagkan sa pisngi. "Pasok na po ako sa school." Pagkuwa'y nanakbo na ako patungo sa pinto.


"Laila, hindi ka pa nag-aalmusal!" habol na sigaw niya.


Idinungaw ko ang aking ulo sa pinto. "Bawi na lang ako sa dinner. 'Love you, Mother Earth!" Sabay takbo ko na paalis bago pa makasingit ng rebut si Mama. Hindi ako puwedeng ma-late sa aking everyday schedule.


Sumakay na ako ng tricycle papunta sa school. Ang ekspresyon ng aking mukha ay mula sa maligaya ay naging pormal—my normal everyday expression.


Pagkarating sa school ay hindi agad ako pumasok. Tumayo ako sa gilid ng gate, sa parte na hindi gaanong pansinin dahil maraming estudyante ang paroo't parito. Hindi rin naman talaga ako pansinin. Pagkaraniwan lang ako, walang espesyal na tungkol sa akin.


Kumbaga, sa isang pelikula ay ako ang extra na hindi gaanong nahahagip ng camera. Dito naman sa school ay puwede na akong pumasang 'human shadow'. Palaging nakatago, palaging discreet.


Hindi ako sad. Gusto ko nga iyong hindi ako napapansin. Mas napapakinabangan ko ang ganoon. Katulad ngayon, meron akong inaabangan. Tifteen minutes na lang at darating na ito.


Twenty seconds before fifteen minutes, natatanaw ko na ang paparating na owner. Open ang gilid niyon at hindi tinted ang salamin sa harapan kaya makikita na agad kung sino ang nakasakay. Two handsome guys.


Ang isa na nasa manibela ay naka-uniform ng pang Lyceum of the Philippines University Cavite. Si Aram John Prudente, 19, 2nd year college law student. Pangalawa sa apat na magkakapatid. Matangkad, guwapo, pero wala sa kanya ang atensyon ko.


Ang atensyon ko ay ang nasa katabi nito, ang lalaking naka-white shirt lang habang ang school polo ay nakasampay sa balikat, guwapo sa maangas na paraan, at semi calbo.


Bumaba ang lalaking tinititigan ko. Nakipagtawaran ng baon sa lalaking nasa manibela. "Kuya, gawin mo ng dalawang daan. May project kami!"

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon