Chapter 15

37.6K 3.4K 1.9K
                                    

PAKIRAMDAM KO'Y HUMIWALAY ANG KALULUWA KO SA AKING KATAWAN.


Gilalas na naestatwa ako. Hindi pa roon natapos, marahang bumaba ang mukha ni Asher sa leeg ko. Ang mainit na paghinga niya at mamasa-masang malambot na mga labi ay ngayo'y humahagod sa balat ko. Kinukuryente ako!


No! Bakit mo ito ginagawa, Asher? Baby ka pa! Hindi ito gawain ng baby! Panghalimaw na galawan ito!


Anong nangyayari sa kanya? Akala ko ba may sakit lang siya? Bakit parang may sapi yata siya? Ah... Bakit din parang sinasapian na rin ako? Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng ungol, lalo nang bumaba pa ang mukha niya hanggang nasa kwelyo na ng blouse ko. Napapikit ako nang mariin. 


Hindi ito kaya ng powers ko! Kailangan ko ng mahahawakan, kaya lang ay wala akong makapa sa paligid. Wala na akong ibang option kundi ang kamay niya. Hinawakan ko siya. Doon siya biglang huminto.


Mabilis niyang hinila pabawi sa akin ang kamay niya na hinawakan ko. "Bakit mo ako hinahawakan?!" sigaw niya sa akin.


Napakurap naman ako. Ha? Gulat na gulat ang reaksyon ni Asher na akala mo ay may ginawa ako sa kanya na napakahalay na bagay!


Nag-init naman ang ulo ko. "Excuse me? Iyong paghawak ko sa kamay mo ay big deal, pero iyong gagawin mo sanang paglapa sa akin nang buhay, wala lang?!"


Napalunok naman siya nang maalala ang ginawa niyang kababalaghan kanina. Napaiwas siya sa akin ng paningin na tilang hiyang-hiya.


Hahampasin ko na siya ng unan nang makarinig kami ng malaking boses ng babae sa ibaba ng bahay nila. "BAKIT ANG GULO NA NAMAN NG BAHAY, ANO GINAWA NIYO MAGHAPON NA WALA KO? MGA WALA TALAGA KAYONG SILBI!"


Nagkatinginan muli kami ni Asher, kapwa pinanlalakihan ang mga mata. Dumating na ang nanay niya!


"AMOS, ANO NA NAMAN IYANG KALAT NA IYAN? AT IKAW, ARAM, PAG-ALIS KO KANINA AY NAKASALAMPAK KA NA RIYAN SA SOFA, HANGGANG PAGBALIK KO AY NANDIYAN KA PA RIN! MGA LINSYAK KAYO, KAILAN BA KAYO KUSANG SISIPAGIN?!"


Napabalikwas si Asher ng baba sa kama niya. "Yari ako pag nakita ka ni Nanay rito sa kuwarto ko!"


Nag-panic na rin ako. "Ha? Eh, anong gagawin ko?"


"Magtago ka muna, Lai!"


"Ano, saan ako magtatago?"


"Saan nga ba?" Napalingap siya sa paligid. Maliit lang ang closet niya, hindi ako kakasya. Bigla niya akong hinila sa braso. "Sensya na, pero kaysa magera tayo ng nanay ko, kailangan nating gawin ito!"


Napamulagat ako nang mapagtanto kung saan niya ako pagtataguin, doon lang naman sa ilalim ng kama niya!


Mag-iinarte pa sana ako nang may kumatok sa pinto. Mula sa labas ay narinig namin ang boses ni Aling Ason. "Bunso, ano nang nangyari sa 'yo? Galing na ang bunso ko? Pinakain ka ba ng mga kuya mo? Ano ba ito, bakit naka-lock ang pinto mo?!"

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon