Chapter 11

39.7K 2.6K 1.2K
                                    

PAANO AKO NAKAUWI SA AMIN?


Hindi ko na matandaan kung paano. Parang buong sandali kasi ay nakalutang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon lang, may boyfriend na ako! Real na real ba talaga ito?! 


Noong itanong sa akin iyon ni Asher, natulala ako ng mga ilang minuto. Kung hindi pa siya nag-follow up, hindi pa ako matatauhan. Ang ginawa ko ay basta lang ako tumango. Pagkatapos, nag-walkout na ako!


Pagkarating sa aking kuwarto ay hinawi ko agad ang malaking kurtina na nakaharang sa isang bahagi ng pader. Lumitaw roon ang napakaraming photos. Iba-ibang sizes, iba-ibang anggulo, karamihan ay kung hindi galing sa social media ay mga stolen na kuha.


My sweet smile turned into a wide grin. Binigyan ko siya ng pagkakataon na iwasan muna ako, na kalimutan muna ako, at i-enjoy muna ang buhay niya na malaya siya. But he did not seize that opportunity.


I was giving him enough time, yet he chose to speed up everything. Unfortunately for him, even if he realized one day that he had just made a mistake and regretted it, it was already too late.


Ang isa sa pinakamalaking photo sa pader ko ang aking pinakatitigan. Lumapit ako roon at maingat iyong hinalikan. "Congratulations, Asher James Prudente for unlocking your final destination tonight!"



I GOT TO SCHOOL early the next day. I would start by meditating on the bench. Pa-practice-in ko rin kung paano umanggulo para mapansin ni Asher itong pink headband ko. Alam ko kasi na mahilig siya sa pretty girls, kaya kahit sa headband man lang, maging pretty ako.


Kagabi pala ay hindi na kami nakapag-usap pa. Bigla na lang kasi akong nag-panic. Bigla ko na lang siyang nilayasan. Kailangan kong makabawi. Kaya sana lang mapansin niya itong headband ko na galing pa kay Renesmee. Naiwan ng pinsan kong kikay sa amin, hihiramin ko lang sandali. 


Naglalakad ako patungo sa gate nang matigilan nang matanaw ang matangkad na lalaki na doon ay nakatayo. Literal na napanganga ako nang makilala siya. Anong ginagawa ni Asher dito nang ganito kaaga?!


Nakatayo siya sa gilid mismo ng gate na tila may hinihintay. Ako, di ba? Kasi kami na. Alangan namang ibang babae ang hintayin niya. Alangan namang si Lou. Pag-uuntugin ko talaga silang dalawa.


Pero inagahan niya ba talaga para hintayin ako? At bakit araw-araw na lang ay ang guwapo-guwapo niya? Seryoso ang mukha niya, bahagyang nakayuko, angat na angat ang mataas na bridge ng ilong.


Naka-complete uniform pala siya ngayon, maliban sa hindi pa rin siya naka-black shoes. Puting-puti ang polo na suot niya, katulad ng puting-puti rin na Nike sneakers sa paa. Plantsadong-plantsado ang uniform niya, kahit din ang slacks na itim. Ang iilang babaeng estudyante na papasok sa gate ay nililingon siya, na hindi naman niya alintana.


Parang gustong umurong bigla ng mga hakbang ko, kaya lang ay napatingin na siya sa gawi ko. Nakita niya na ako. Ang seryosong ekspresyon niya ay iglap na nabura. Hindi naman OA na umaliwalas ang mukha niya, sakto lang. Hindi rin mukhang tanga. Hindi lang intimidating na katulad kanina.

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon