Chapter 29

35.5K 2.3K 1.1K
                                    

KAPAG DUMATING ANG ARAW NA WALA NA AKO NG NARARAMDAMAN PARA SA 'YO, PATAYIN MO NA LANG AKO.


Napangiti at napailing ako habang paulit-ulit na inaalala ang huling pag-uusap namin ni Asher. Ang paraan na naisip niya ay akala mo naman ay napakadali lang gawin. If only that was possible.


Bumaba na ako sa ordinary baby bus. Inabot na ako ng katanghalian init sa pag-uwi ng Cavite dahil nakipag-chat pa ako kay Tita Judy kanina sa computershop. Naglalabas ng hinanaing sa akin ang aking tiyahin.


Hindi na raw makausap ni Tita Judy nang matino si Mama. Mula nang mamatay ang bunsong anak ni Tito Eloy ay naging sensitibo at maiinitin na ang ulo ni Mama. Palagi na ring wala sa bahay at mas gusto na lang na alagaan ang mga batang anak ni Tito Eloy sa Tanza. 


Kahit ampon lang ako, ako pa rin ang anak ni Mama. Dapat ako ang nag-aalala sa kanya. Pero paano ko gagawin iyon? Gusto ni Mama na hindi ako aalis pag umuuwi sa Cavite, pero siya naman ang panay alis. Mula nang malaman niyang alam ko na ang totoo, ay hindi niya na akong magawang tingnan sa mga mata. Para siyang napapaso kapag nakikita ako.


Dati rati'y ayaw kong mawala si Mama sa paningin ko, gusto ko siyang palaging kasama at kausap, kaya hindi ko akalain na darating pala ang araw na makakaramdam ako ng pagkailang sa kanya.


Pinag-iisipan ko pa kung saan ako mauunang uuwi ngayon, patawid ako sa pila ng mga multicab at jeep sa Tejero nang mapansin ko ang tatlong teenager na babae sa sulok ng isang saradong store. Pare-pareho ang style ng suot. High waist shorts at croptops. Ang mga phone nila ay pare-pareho ring iPhone.


Malayo-layo pa ako ay dinig ko na ang palitan nila ng conyong pananalita. Nakilala ko ang isang may malaking pink ribbon na headband. Si Renesmee Althea V. Estrada o Renren. Nakababatang kapatid ni Rio. In short, peke ko ring pinsan.


Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang tinuktukan ng mga ito si Renren. "Ren, why did you come here? Hindi ka naman namin isasama sa SM Bacoor. Sinabi lang namin iyon to check if you're stupid. And you are really stupid!"


Kinuwelyuhan si Renren ng isa sa mga babaeng kasama niya. "Hey, Ren. Why not give us your money na lang? Come on, para magkasilbi ka sa amin. We need additional pocket money. Magpapa-manicure and pedi kami sa mall, e."


Si Renren naman ay paiyak na. "Please, allowance ko pa for next week ang money ko." Nagmamakaawa siya sa mga ito, subalit walang balak maawa ang dalawang bully niyang fake friends.


"'Wag kang madamot, Ren! Pasalamat ka pa nga, kinakausap ka pa namin, even though you're stupid!" Kinakpakan siya ng mga ito at nang makuha ang wallet niya ay muling naghagikhikan na parang mga timang.


Hindi ako nakatiis. Nagpakita ako sa kanila. "Ibalik niyo ang wallet niya."


Napatingin sila sa akin. Si Renren ay bumadha ang gulat at pagkapahiya sa mukha. She was embarrassed because I discovered that she was not a Queen Bee as she claimed to be, but rather a typical teenager who wanted to fit in but ended up being an easy target for bullies.


"And who are you?" maarteng tanong ng naka-orange sunglasses sa akin. "Ren is our slave, so you don't have the right to interfere! Oh, do you understand english?"

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon