Chapter 43

42.1K 3.4K 2.1K
                                    

LILA BATHSHEBA.


Bobbie for short. Iyon ang pangalan ng cute na cute na dalawang taong gulang na batang babaeng ito. Pantay ang kulay na mapusyaw na morena, kinis-kinis ng mamula-mulang pisngi, matangos ang maliit na ilong, at mahahaba ang pilik-mata. Parang buhay na manika. Kahit ako ay hindi makapaniwala na magkakaroon ako ng ganito kagandang anghel sa buhay ko.


Anghel ko na mukhang anghel, pero sa ugali ay 'wag niyo nang itanong.


"Mommaa, wantu ride more!" ungot nito. Naglalambing. Alam na alam kung paano dudurugin ang puso ko.


Naantig naman ako. Lagi lang kasi itong nasa bahay noong nasa Manila kami. Bihira kaming lumabas dahil nga sa homebased ang aking trabaho at dahil na rin iniingatan ko ito sa mga sakit na naglipana. Masyado akong protective dito.


Hinaplos ko ang ulo nito. "But baby, it's time to go home na. Gabi na o. Saka miss ka na po ni Mommy."


Napatingin naman si Bobbie sa hawak kong phone, nakalimutan na agad ang tungkol sa ride. Namilog ang mga mata ng bata. "Papa!" Bigla nito iyong inagaw sa akin bago pa ako nakapagsalita. Then she dashed through the door, carrying my cell phone.


Umayos ako sa pagkakatayo at naiiling na lang na sinundan ng tingin ang bata na papasok sa bahay bitbit ang cell phone ko.


"Sure ka na ba na dito na talaga kayo?" boses ni Tita Judy na pumukaw sa akin. Nakalapit na pala siya.


Tiningnan ko ang babae. Maiksi ang buhok niya ngayon, bagay sa kanya. Kahit pa fulltime mommy na ay, kumpara noon, mas naging glowing ang aura niya ngayon. Malalaki na kasi ang kambal, matured din mag-isip, nakakakilos na mag-isa, at mga nauutusan niya na rin. Kaya nga kahit nasa bahay na lang ay nakakapag-negosyo pa siya on the side.


Nginitian ko naman ang tanong ni Tita Judy. "Nakalipat na kami at nakapag-ayos na rin ako ng mga gamit dito, hindi pa ba sure ito?"


Iningusan niya ako. "Pasalamat ka talaga at wala ang asawa ko!"


Ngumisi ako. "E, di salamat!" At bago pa siya may masabi ay nagmamadali na akong pumasok sa loob para sundan ang mga bata. Sa pinto pa lang ay naririnig ko na ang maliit at matabil na boses ni Bobbie. Ayun, kinakausap na ang kanina lang na kausap ko sa phone.


"Hewow, Papa, plish buy dresh, shoosh, toy, chocowey!" tuloy-tuloy na request ng anak ko na akala mo ay may patago sa kausap nito. Ang mga binanggit ay dress, shoes, toy, at chocolate. Iyon ang mga tila naka-record na sa isip nito.


"Bobbie, that's enough," mahinahon kong saway sa bata. "Can you give Mama's phone back now?"


"But, I talk Papa!" matinis ang boses na angal nito, habang ang higpit ng hawak sa phone ko. "Hewow, Papa! I mish you, Papa! I yab you, Papa! Gimme money, Papa!"


"Anak, enough na po sabi." Inawat ko ito. "Di ba may package ka lang noong nakaraan? Tapos may package ka ulit ngayon. Ang dami mo ng dress, shoes, and toys. Saka hindi rin puwede na palagi kang magtso-chocolate. Gusto mo bang sumakit ang teeth mo?"

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon