Chapter 18

37.6K 2.9K 1K
                                    

"LAI, I LIKE YOU!"


Sa pagliko sa street namin ay naroon matatanaw ang matangkad na lalaking madilim na nakatingin sa gawi namin ni Rio. Natitiyak ko na nakita niya kami. Kung narinig niya man ang malakas na sinabi ng pinsan ko, ay iyon ang hindi ko sigurado.


Mula sa gate ng bahay namin ay lumabas si Tita Judy, kasunod ang Tito Eloy ko. Napatingin ang mga ito sa akin. Doon napaatras si Rio. Katulad ng iba sa pamilyang Valmorida, hindi talaga nila feel ang mga kamaganak ni Mama.


"Lai, let's talk again some other time," ani Rio saka ito tumalikod na.


Si Asher ay naglakad na papunta sa akin. Sinalubong ko na siya bago pa sila magpang-abot ni Rio.


"Onis?"


Nag-loading pa ako. 'Sino' raw pala. "Ah, p-pinsan ko."


Salubong pa rin ang mga kilay niya. Inabot ko naman ang kanyang pisngi para pakalmahin siya. Doon ay biglang nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa kaninang madilim na mga tingin ay biglang pumungay ang kanyang mga mata. Instant.


"Bakit ngayon ka lang?" Pati ang boses niya ay para nang sa batang nagtatampo at gustong magpasuyo.


Hinimas ko naman siya sa ulo. Yumuko naman siya para mas maabot ko ang ulo niya. "Sorry. Busy talaga. Ang hirap din laging mag-uwian. Pero uuwi na ulit ako lagi. Okay ba iyon?"


Lumabi siya at kinuha ang kamay ko. Ikiniskis niya ang likod ng palad ko sa kanyang pisngi. This time, hindi na siya parang bata. Para na siyang cute na tuta.


Sino ba ang mag-aakala na mag clingy side pala ang isang maangas na Asher James Prudente? Ako lang ang nakakaranas at makakaranas nito at wala nang iba pa.


"Pagod ka?" tanong niya na malungkot ang boses pero ang cute-cute talaga. Hay, nakakawala ng pagod at stress.


Umiling ako habang pinagmamasdan siya. "Hindi na. Nakita na kasi kita."


Saka lang ngumiti nang matamis si Asher. "Tara. Hinihintay ka na sa inyo." Hindi niya na binitiwan ang kamay ko hanggang sa bahay namin.


Pauwi na rin ang mga kamaganak sa side ni Mama. Si Tito Eloy ay dumaan lang sa amin para humingi ng pera kay Mama. Kailangan daw kasi sa punerarya. Narito naman si Tita Judy upang mag-abot din ng pera—at para sermunan ang panganay nila.


"Bakit hindi niyo kasi pinaturukan ng pneumococcal vaccine iyong bata? Libre lang iyon sa ibang mga center ng barangay! Ipipila niyo na lang, hindi niyo pa nagawa!"


"E hindi namin alam," susukot-sukot naman na sagot ni Tita Eloy.


"Kuya naman! Paanong hindi niyo alam? Pag-aanak, alam niyo! Pero mga ganitong bagay ay hindi?! Iyong asawa mong bata, e mauunawaan ko pa na walang alam. Pero ikaw? Pang ilang asawa at anak mo na iyan, wala ka pa ring alam?!"

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon