Chapter 27

33.7K 2.4K 1.2K
                                    

"UMUWI KA MUNA SA INYO."


Ang gulat at sakit sa mukha ni Asher ay nanatili sa isip ko hanggang sa aking maisara ang pinto. Kung sa ibang pagkakataon ay baka hindi ko kayanin na makita siyang ganoon. Pero iba ngayon. Iba iyong pagod ko. Pagod na pagod talaga ako.


Gusto ko mang buksan ulit ang pinto para bumalik sa labas at bawiin ang sinabi, ay mas matimbang sa akin ang kagustuhan sanang magpahinga muna. Napapikit ako nang mariin. Bumilang ako ng lima. Hindi ko rin kinaya at binuksan ulit ang pinto. Iyon nga lang, wala na si Asher o kahit si Rio sa labas. Umalis na gaya ng aking inutos sa kanila.


Pagod ako at mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Sa sobrang pagka-busy ko, hindi na sumagi sa isip ko ang nararamdaman ni Asher. He was just probably worried since I was no longer responding to his texts and my phone number was unreachable. He had no idea I had lost my phone. Hindi rin niya alam na bukod sa pag-aaral ay nagtatrabaho na rin ako. But despite all that, he was not angry. Then this happened today. Basta ko siya pinaalis kaysa ipaliwanag muna sa kanya ang nangyayari. 


I knew I had hurt him. For the first time, I had hurt him. Or was this really the first time? Ilang beses na ba niya akong inintindi?


Sa ilang beses na hindi ko siya ma-reply sa mga text niya, sa mga gabing hinihintay niya ako na mag-online, pero natutulugan ko siya, sa ilang beses na hindi ako umuuwi ng Cavite, ilan sa mga iyon ang pilit niyang inintindi? Despite being a year younger than me and having a short-tempered personality, he was more understanding and was never upset with me.


Kinakain ako ng konsensiya pero bagsak na bagsak na talaga ang katawan ko sa kama. Ang sabi ko ay iidlip lang ako. Ipapahinga ko lang sandali ang katawan, pagkatapos ay maliligo na ako at pupunta ng Buenavista. Ang kaso lang, sumunod na araw na noong nagmulat ako ng aking mga mata.



1:00 P.M. NA!


Napabalikwas na lang ako dahil sa tumatama sa mukha kong init ng araw mula sa bintana. Nasabunutan ko ang aking buhok. Ito ang unang beses na hapon na ako nagising!


Nagmamadali akong naligo sa banyo namin sa itaas. Nagbihis din ako at nag-ayos ng sarili. Habang nakatingin sa salamin ay napangiwi ako sa aking kaputlaan. Kahit ang haba ng tulog ko ay mukha pa rin akong kulang sa pahinga.


Pagbaba sa sala ay nakatulala si Mama habang nakaupo sa sofa. Naririto na rin pala siya. Tumingin siya sa akin at agad na nagbago ang ekspresyon niya. "May lakad ka?"


Alumpihit ako sa pagsagot dahil hindi naman maayos ang paghihiwalay namin kahapon. "Ah, pupunta lang ako kay Tita Judy sa Buenavista..."


"Dadalawin mo si Judy?" mababa ang tono ni Mama subalit makakapaan ng sarkasmo. "Ngayon ka lang umuwi, pero mas gusto mo pa siyang makasama?"


"Pupunta rin ako kina Asher."


"Hindi pa tayo tapos mag-usap."


"Hindi natapos dahil umalis ka kahapon," matabang na sabi ko. "Hindi ba inuuna mo rin naman ang mga anak ni Tito Eloy?"

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon