isang yapak pabalik

698 34 7
                                    

Leon has always been one to go to big music festivals or even small time indie gigs. It was a known fact between their friend group. Masayang masaya siya sa piling ng musika.

Marahil 'di lamang sa musika, ngunit pati na rin sa mga pagtitipon na may iisang ipinaglalaban. Her parents were hesitant to permit her activism at first, pero siguro napagtanto na rin nilang para naman ito sa bayan.

"Pasistang rehimen, ibagsak!"

"Iskolar ng Bayan! Patuloy na lalaban! Walang tigil sa paglaban!"

Most people would say the noises of rallies along the historic roads of some places in Metro Manila are nothing but cringeworthy, bashful, and of course, the number one cliché rant about it: utterly nonsensical. Mayro'n ba kayong nakuha pagkatapos ninyong manggulo? O 'di kaya'y, alam niyo bang masyado pa kayong bata para mangielam?

Lingid sa kaisipan nila na walang pinipili ang kasakiman ng mga nasa kapangyarihan, bata ka man o matanda.

Ask Leon and she would always say she's used to this. Sanay na siya sa mga salitang binabato sa mga estudyanteng katulad niya, sa mga mapanghusgang tingin ng nakararami. At sa halos apat na taong pagiging aktibista niya, iba't ibang tao na rin ang kan'yang nakasasalamuha. Hindi maikakailang masasanay at masasanay ka rin sa ganitong naratibo.

Overtime, Leon learned not to mind any of them. Lalo na 'yung matataas ang tingin sa sarili at pinahahalatang inis dahil sa ingay na kanilang ginagawa.

But Leon would never call it noise—rather, it's a cry.

Cry for the injustice, cry for the poor, cry for the inequality, cry for the oppressed.

A cry for those who cannot afford to do so.

Leon.

"'Lek, may banda raw na mag p-perform mamaya?" Tanong ni Chel sa isang kasamang hindi pa namin kilala.

"Oo, 'lek. Mamaya ata pagkatapos nitong nagsasalita."

"Ah, thank you!"

Kasalukuyan kaming nakatayo habang may kolektib na nagsasalita sa harapan. Maraming tao sa university avenue ngayon at mas dumarami pa habang lumalapit ang gabi. Usually, nakahanay kami sa mga kasama mula sa mass org na aming kinabibilangan ngunit dahil nga late kaming nakarating, hindi na rin namin sila hinanap.

"Pst, Chel. Pupunta ka ba? Ako kasi hindi," asked Kiko habang ginagawang pamaypay ang kaniyang placard.

"Baka, ewan. May importante akong lakad mamaya, baka no na muna. 'Kaw, Lens?"

"Wala naman akong gagawin mamaya. I'll probably stay."

"Balitaan mo na lang kami sa ganap. Hindi ako p'wedeng lumiban dito sa prof na 'to," Kiko said. Totoo namang hindi gawain ng kaibigan niyang lumiban sa klase. Kaya lang din ako nagkaoras na pumunta rito dahil kanselado ang last class ko. Salamat na nga lang at natapat na may mob.

"Pansin mo talaga kapag parehong aktibista mag jowa, oh," bulong ni Kiko sa akin habang nakatitig sa dalawang lalaki na nakaupo sa harapan namin. "'Didn't they say na mahirap daw kapag gano'n?"

Nilingon ko si Kiko bago magsalita. "Hindi ako naniniwalang sa mga ganitong event sila nagkakilala. Baka sila na before pa sila sumali ng mass org."

"Ah, so tingin mo wala kang makikilalang magandang babae rito, Lens?"

"Pang gago talaga mga tanungan mo, Kiks," kantiyaw ni Chel.

"Sus. S'yempre, wala," I shrugged, not knowing I jinxed myself badly.

Gaya ng napag-usapan, umalis na agad si Chel at Kiko bago pa man mag perform ang banda. As far as I remember, three bands ang nag perform ngayong gabi. Halos mag a-alas-nuebe na rin nang matapos sila kaya't naghihikahos na ako para maabutan ang last train sa LRT 2.

in between the linesWhere stories live. Discover now