CHAPTER 1

7.8K 146 0
                                    

Chapter 1

"THAT guy! I want to kick his ass!" Gigil niyang sabi kay Raffa na tawa ng tawa sa kanyang kwento.

"What happened after he kissed your virgin lips?" Nanunukso ang himig nito.

"Tinadyakan ko ang alaga niya!"

Muli na naman itong tumawa. "Do you know his name? I'm sure he's Frank Montgomery. Mahilig talagang manghalik 'yon, eh."

"At pumapayag naman kayo?" Salubong ang mga kilay na tanong niya dito.

"Well, he's a good kisser." Then she winked. "Isn't he?"

She rolled her eyes. "I want to gargle an alcohol!"

"He's a good-looking guy! Sikat iyon sa school namin."

"Sa school niyo kamo siya nag-aaral?"

Raffa nodded. "You wanna meet him?"

"Of course! Gusto ko siyang gawing punching bag!" Gigil niyang sabi.

"I have an idea. I'm sure you'll like it." Raffa said while wiggling her brows.

"Spill it."

Raffa smirked. "Since you wanna punch his face, why don't we switch?"

Hindi niya matumbok ang ideya nito. "Make it clear."

"Switching position. Ganito lang. Me as you and you as me. You are Raffa and I am River." Raffa explained.

"It's difficult." Napapa-iling niyang wika.

Ang ibig lang nitong sabihin ay magpapanggap ito bilang River at siya nama'y bilang Raffa. Sa eskwelahan na nito siya mag-aaral bilang Raffa upang makaganti siya sa Frank na iyon.

Si Raffa naman ay sa eskwelahan niyang pinapasukan na mag-aaral. Bakit naman kaya nito naisip iyon? Kaya nga hindi sila magkasama sa iisang university ay dahil ayaw nito sa university na pinapasukan niya. Mga nerdy-looking lang daw na katulad niya ang nababagay doon.

She can say that. Masyado kasi itong gimikera na talagang ipinagkaiba nila. Kambal sila at hindi ibig sabihin ay pareho ang mga gusto nila. Malayong-malayo ang katauhan nilang dalawa pero nagagawa nilang gayahin ang katauhan ng isa't isa kung kinakailangan. Lalo na kung kailangan nilang pagtakpan ang kasalanan ng isa sa kanila.

Madalas nilang gawin iyon noong mga bata pa lang sila. At hanggang ngayon ay gawain pa rin nilang dalawa.

"Walang mahirap sa gagawin natin. Magpapanggap ka lang naman bilang ako. Just like the old times. Binibigyan na nga kita ng pabor. Take it or leave it?"

"At ikaw?"

"I can be you."

"Pero..."

"Kahit ayaw ko ng mga damit mong out of fashion, isusuot ko."

"Ginagawa mo ba talaga ito para sa akin o may binabalak ka na ikasasaya mo?" Pagdududa niya dito.

Ngayong alam niyang malaki ang pagkakagusto nito kay Luke ay siguradong nagkakilala ang dalawa sa party. Nang makasilip ito ng opportunity na muling makita si Luke ay naka-isip ito ng ideya ng sabihin niya dito ang tungkol sa Frank na iyon. That's why she's giving her a favor. Pabor din naman dito dahil makikita na nitong palagi si Luke.

"Ano ka ba? Of course not. I'm doing this for you." Hinawakan pa nito ang kanyang mga kamay.

She let out a deep sigh. Liar!

"When do we have to start?"

Malawak ang pagkakangiti nito. "Next week. Kailangan pa nating maghanda."

Twin Switch [COMPLETED]Where stories live. Discover now