CHAPTER 12

4K 92 1
                                    

Chapter 12

LAKE

SUNUD-SUNOD ang ginawa niyang pagpindot sa doorbell ng bahay ni Gella. Kailangan niyang maka-usap ito dahil alam na nila ni Raffa na kasabwat ito ni River.

Hindi na kasi nila mahagilap si River na marahil ay nagtungo na ng Paris. Napakalaki niyang hangal para muling maloko ni River sapagkat ng mga sandaling kasama niya ito habang nagpapanggap itong si Raffa ay nagdududa na siya.

She was really fond of fooling me! And you were a fool to let her fooled you again...

Nang bumukas ang gate ay isang kawaksi ang bumungad sa kanya.

"I'm sorry but I need to know where is Gella."

"Sandali lang ho at tatawagin ko. Pasok ho muna." Nilawakan nito ang bukas ng gate.

Sumunod siya dito.

Nagtungo ito sa kwarto sa itaas ng pangalawang palapag ng bahay. Mayamaya lang ay bumaba na si Gella na nagulat pa nang makita siya doon.

"Oh, hi. What brought you here?" Nakangiti nitong tanong.

"Where's River?"

She arched her brow. "I've never seen her for the past six years. Why not ask your fiancée Raffa?" Tila nang-aarok ang tinig nito.

"Oh, no. Don't lie to me, Gella. Alam kong alam mo ang mga nangyayari."

She gasped. "What are you talking about?"

"You're River's accomplice to her plan."

"Me! I told you, we're not able to communicate to each other after our college graduation. So, why were you talking like that?"

"Stop fooling me! Sa tingin mo ba paniniwalaan kita?!" Hindi na niya napigilang sigawan ito kahit na nga pamamahay pa iyon ng kausap.

"Kung ganoon why are you wasting your time here? Why not chase River?"

"Just f-cking tell me where is she." He kept his voice calm but authority was evident on his tone.

"P-Paris." Pagsuko na nito.

"Tell me the whole story. Spill it or I'll wring your neck." His teeth were clenching.

"Okay, fine." Tuluyan na itong sumuko. "We made a scheme. We both contributed our ideas to make it perfectly plan. But it's really my idea, anyway. Ginatungan na lang ni River."

"And?" Impatient niyang tanong.

"We've just made it when we heard that you're marrying Raffa soon. Bakit nga ba? Dahil si River pa rin ba ang nakikita mo kay Raffa?"

"Continue your story." Pasuplado niyang sabi. Wala na siyang oras para ipaalam pa dito ang tungkol sa dahilan niya kung bakit nga ba niya pakakasalan si Raffa. When all the while it's still River after all.

Napabuntong-hininga ito. "They are twins at iyon ang naging advantage namin ni River para magpanggap siya bilang Raffa. It's because she wanted to stop your wedding with her twin sister. At para tuluyan na ring sa kanya ka ikasal kahit ang kaalaman mo ay siya si Raffa. Pity, River. Sa tingin mo bakit niya ginawa iyon?"

Hindi siya nakapagsalita. Nanatili lang siya sa pakikinig sa mga sasabihin pa nito.

"Sa kabila ng paghihiwalay ni'yo noon ay hindi ka niya nagawang kalimutan. She waited for you to come back when you left her nang akalain mong pinagtaksilan ka niya. Well, I can't blame you. Talaga namang nakakalito silang dalawa noon. They can fool even their parents and friends if they want to."

Twin Switch [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن