CHAPTER 2

5.3K 114 0
                                    

Chapter 2

NAGDADABOG na lumabas siya ng classroom matapos ang subject na 'yon. Nakakairita talaga ang Lake na iyon! Nakahalik na, nakayakap pa. Jackpot na iyon, ah!

Sa buong buhay niya ngayon lang siya nairita ng ganito sa isang lalaki. Nakakapanuyo ng dugo. Dalawang buwan lang naman ang usapan nila ni Raffa. Pagkatapos niyon ay magpapalit na muli sila ng katauhan. Malamang nagpapakahibang iyon ngayon kay Luke samantalang siya ay nahahigh-blood kay Lake. Sinabi pa nitong childhood sweetheart silang dalawa at paniwalang-paniwala naman ang professor nila maging ang mga kakalase nila sa ungas na iyon!

Habang naglalakad ay natakid siya sa kung saan. Upang hindi siya bumigay sa sahig ay may mga braso na yumakap sa kanya.

Nakapaibabaw siya kay... Lake! Nakangisi pa ito habang yakap siya.

Lumingon-lingon siya. May mga nagtitinginan na sa gawi ng kanilang pwesto. Saan naman kaya siya natisod?

"Sinadya mo akong takirin, ano?!" Singhal niya dito.

He grinned. "Hindi, ah! Tinulungan na nga kita."

"Liar! Kunwari ka pa!" Umayos na siya ng tayo.

Imbis na tumayo ito ay umupo pa ito sa sahig at inilahad ang kamay sa kanya. "Help me."

Nag-atubili siyang kunin ang kamay nito. Baka kung ano na naman ang gawin. At dahil para itong sira sa ginagawa ay hinigit niya ang kamay nito ngunit kaagad din nitong hinigit ang kanyang kamay.

Tumayo ito at binuhat siya. "Oo, sinadya kong takirin kita para makayakap ulit ako sa'yo. Isn't it sweet?"

Tinampal niya ang noo nito. "Nakakahiya ka! Ibaba mo ako!"

Nagtitinginan na sa kanila ang mga nandoon. Iyong ibang kababaihan ay parang gusto siyang kalbuhin sa uri ng tingin ng mga ito. They mouthed "bitch".

Maya-maya'y ibinaba rin siya nito.

"Hey, Lake!"

Napatingin siya sa isa ding matangkad na lalaki na tumawag kay Lake. Naka-suot ito ng jersey at may hawak na bola. He was staring at her. May nababanaag siyang pagtiim sa mga mata nito.

"Raffa," he said.

"H-Hi." Matipid niyang bati at tinanguan ito.

Bahagya lang itong ngumiti. "May practice ng basketball mamaya, Lake."

"Susunod ako."

"She's with you?"

Nilingon siya si Lake at inakbayan. "Oo. Isasama ko nga siya sa gym."

Her forehead knotted. Pasimple muna niyang tinapik ang braso ni Lake na nasa kanyang balikat bago iyon inalis. "Uh...oo. Panonoorin ko nga itong si Lake. Masyado daw siyang magaling. So, I wanna see." She gave a fake smile to Lake.

"Hindi ka magsisisi, love." Pagkasabi niyon ay hinalikan pa nito ang kanyang ulo.

Love? Lablabin mo mukha mo! Gusto niyang isigaw iyon kay Lake ngunit kinurot na lang niya ito sa tagiliran. Malaki ang bilib nito sa sarili at gusto niya talagang mapanood kung paano ito mapapahiya sa kanya. Manyakis na nga, mayabang pa!

Nagpaalam na ang lalaking lumapit sa kanila. She doesn't even know that guy but his stares were weird. Akala siguro'y siya talaga si Raffa.

"He like you."

"H-Huh?"

"Ang sabi ko, gusto ka ni Frank."

"Talaga?"

Twin Switch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon