CHAPTER 8

3.9K 73 0
                                    

Chapter 8

NAGLULUTO siya ng kanyang agahan nang bisitahin siya ni Lake. Ang aga-aga para sa pagbisita ngunit natutuwa siya.

"What's up?" Pagbungad niya dito sa pintuan.

Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang simpleng paghagod ng mga mata nito sa kanyang katawan.

She's wearing her black nightie. Manipis iyon at maikli na bahagya lang na natatakpan ang kanyang panty.

"G-Good morning," bati nito.

Umagang-umaga ay nag-uumapaw ang taglay nitong kagwapuhan.

"Good morning. Come on in." Nilawakan niya ang pagbukas sa pinto.

"I thought you don't know how to cook your meal. Kaya nga ako nandito para dalhan ka ng breakfast mo."

Iniabot nito sa kanya ang paperbag na may lamang pagkain.

"Uhm... you know, I'm a lazy cherry bum. Sinipag lang ako ngayon." Palusot niya.

Umupo ito at pinagmasdan siya.

Nailang siya kaya naman pasimple niya itong tinalikuran. Nagkunwaring abala sa pagluluto. Nakalimutan niyang hindi nga pala marunong magluto si Raffa. Kamuntikan na siya!

Pagkaluto niya ay inihanda niya ang mesa. Ngayon lang niya ito makakasabay kumain ng almusal.

"What's with the stare?"

Napangiti ito at tinulungan siya sa paghahanda ng pagkain.

"I just find you beautiful every single day."

Nagmistula yata siyang kulay kamatis.

"Hindi ba ako maganda dati?"

"Hindi sa ganoon. Talagang maganda ka and I'm so lucky to have you, Raffa..."

Natigilan siya. "L-Lucky to have me because I'm just pretty?"

"Partly, of course. But that's not really the point. Masaya ako kapag kasama kita. I just feel complete."

Pinilit niyang ngumiti ng matamis kahit na parang pinipira-piraso ang kanyang puso sa mga sinasabi nito.

Malinaw na inlove nga ito kay Raffa. Ganoong-ganoon din ang mga sinabi ni Lake sa kanya noong panahong sila pa.

"And so am I. Now, let's eat."

Muling napangiti si Lake habang pinagmamasdan siya. That stare is for Raffa...

Pinilit niyang maging kaswal sa harap nito kahit na nahihirapan siya. Sa tuwing tinitingnan siya nito na parang laging may kislap ang mga mata nito'y parang may mga maliliit na aspili na tumutusok sa puso niya.

Ang magagawa lang niya ay magpakatatag. Para ano pa at nandito siya?

Naisip niya kung ano kaya ang mga bagay na ginagawa ni Raffa para mapasaya nito si Lake? Katulad ba iyon ng mga ginagawa niya noon? Siyempre hindi, wala namang alam si Raffa sa relasyon nila ni Lake noon.

"Papaano mo ginawa itong sandwich?" Bigla ay tanong ni Lake na maganang kinakain ang vegetable salad sandwich niyang ginawa.

"Madali lang. Pinaghirapan ko talagang itimpla 'yan," she chuckled.

"It's River's favorite. I remember how she gave me like this for the first time. Ang sabi niya healthy daw kaya kinain ko kahit ayaw ko." Natatawa-tawa pa nitong kwento.

Napahalakhak siya nang hindi sinasadya.

"Oh, I'm sorry."

"It's okay."

Twin Switch [COMPLETED]Where stories live. Discover now