LAST CHAPTER

4.2K 100 1
                                    

Last Chapter

RIVER

    DALA ang maleta ay lumabas na siya ng hotel suite na kanyang tinutuluyan kasama si Vida at si Julie noong umuwi sila dito sa Pilipinas.

    Pinauna na niya ang anak at si Julie sa bahay nila sa village dahil magche-check-out pa siya sa hotel. Sabik na rin kasi si Vida na muling makita ang Lolo at Lola nito.

    Nang ipakilala niya ang kanyang anak sa kanyang pamilya ay nagulat ang mga ito. Hindi inaasahan na iyon ang kanyang sorpresa. Si Raffa nama'y natutuwang niyakap ang kanyang anak. Tuwang-tuwa sa unang pamangkin.

    Binalaan niya ang mga ito na huwag munang magbabanggit ng kahit na ano tungkol kay Vida sa ama nitong si Lake. Gusto niya ay siya ang magpapaliwanag at magsasabi ng katotohanan dito na kaagad namang sinang-ayunan ng lahat.

    Gulat na gulat siya nang pagkalabas niya ng pintuan ay tanaw na tanaw niya si Lake sa pasilyo na papalapit sa gawi niya. Mabilis ang kanyang pagkilos. Binuksan niyang muli ang pinto upang bumalik sa loob. Hindi pa siya handang maka-usap ito ngayon. Wala pa siyang practice.

    Pinigilan nito ang pagsara niya ng pinto.

    "Ano ba! You're intruding my place."

    Napataas ang kilay nito. "Oh, honey. Matagal na."

    Tuluyan na siyang nawalan ng lakas nang makapasok na ito. Napagmasdan niya ang kabuuan nito. Mula sa mga mata nitong tila punung-puno ng emosyon ay bumaba ang mga mata niya sa matangos nitong ilong at sa perpektong hugis ng mga labi nito. How long had she been longing for hiss kiss?

    "You really haven't changed, River," diniinan nito ang kanyang pangalan. Lumapit ito sa kanya matapos nitong isara ang pinto. "Oh, no. Is it 'Raffa'?" Sarkastiko nitong dugtong.

    Kinakabahan na siya sa ginagawa nitong unti-unting paglapit sa kanya. "I-If it's about what happened, I'll explain. O baka naman naikwento na sa'yo ni R-Raffa."

    Tumaas ang sulok ng bibig nito. "Will you take off your shirt." He said more of command.

    She gasped. At ano naman kaya ang balak nito?

     "Oh, come on, River. Don't make that innocent look. Nakarating na tayo doon. I won't get into your pants now."

    Nanatili lang siyang nakatayo doon kaya naman ito na ang nagkusang hubarin ang kanyang pang-itaas. Hinaplos nito ang kaliwa niyang balikat at tila kuryente ang pagdaiti ng kamay nito sa kanyang balat.

    "You're trembling..."

     Paanong hindi siya manginginig? Napakalapit ng mukha nito sa kanyang mukha. Parang gugustuhin na lang niyang magpahalik dito kaysa magpaliwanag.

    Unti-unting napapikit siya nang bumaba ang mukha nito sa kanya.

    "Cover  yourself up. Baka hindi ako makapagpigil."

    Napamulat siya nang magsalita ito. Dali-dali niyang isinuot ang pang-itaas. Pinaghubad lang siya nito para tingnan ang kanyang tattoo.

    Napa-upo na siya sa kama nang hindi mapigilan ang pangangatog ng mga tuhod. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaharap sila na hindi siya nagpapanggap bilang Raffa.

    "I came here to fix everything," he said while staring at her.

    "I'm sorry, I fooled you. I-I did that because I was really... j-jealous." She blurted out.

    "River, I'm sorry because of what happened in the past. I admit, nagkamali ako. Nagpadala kaagad ako sa galit kaya nagawa kitang iwan. I didn't know na may kakambal ka."

    "It's my fault. Hindi ko kasi sinabi sa'yo kaagad. I was fooling you for almost a couple of months. Noong araw na makita mo si Raffa at Frank which was our monthsary, I really intend to say to you the whole truth. Pero nawala ka na..."

    "That's the biggest mistake I've ever done in my whole life. Maling-mali ako. I even doubted your feelings toward me. Ang buong akala ko hindi mo ako minahal samantalang ibinigay mo na ang lahat sa'kin noon..."

    She stood up and hugged him tightly when she can't resist it anymore. "I love you and I always have."

    He moaned and kissed her on the lips with so much longing and passion. Damang-dama niya ang pagmamahal nito sa pamamagitan ng maalab na halik nito.

    "I love you too. No one replace you in my heart and in ny mind..."

    She kissed him again. Sobrang daming panahon ang nasayang. She cried as she remembered those times na nasa isip at puso niya lang ang lalaki.

    "Let's start a new?" He asked habang pinupunasan nito ang mga luha niya sa pisngi.

    She nodded. "Dapat lang. Nagsasawa na rin akong umiyak."

    Marahan siya nitong inihiga sa kama. Him on top of her. "I missed you so much..." He caressed her soft face and started kissing her again. "Do you mind?"

    "You said you won't get into my pants?" Namumula niyang saad. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi.

    He laughed so hard. "I didn't promise." Sabay kindat nito. He started undressing her...






LAKE

    HUMAKBANG siya sa front door ng bahay nina River. Nakakagawa pa lang siya ng dalawang hakbang nang may maliliit na brasong pumigil sa kanya.

    Ibinaba niya ang paningin. Iyong bata sa mall! What is she doing here?

    "You're not allowed to enter my house!" Pataray nitong wika.

    Lumuhod siya at pinisil ang ilong nito. Magandang-cute ang batang ito. "What's your name? I think it's Vida, right?"

    "How did you know?"

    "I heard your nanny Julie called your name."

    "Oh, you remembered me." Wika nitong hinaharangan pa rin siya.

    "Vida, let him in," utos dito ni Raffa na papalapit na sa kanila. "Hi, Lake!" Pagbaling nito sa kanya.

    Tumayo siya at nginitian ito. Itatanong pa sana niya kung kaninong anak si Vida nang biglang sumulpot si River at nilapitan sila.

    "Raf, ikaw na muna sa kusina." Sabi nito kay Raffa na tinanguan siya at umalis na.

    Kinarga nito si Vida at iniharap sa kanya. "Hulaan mo kung sino ang kamukha niya?" She asked him.

    Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa dalawa. They have the similarities. Ayaw niyang isipin na anak iyon ni River.

    "She's Vida," pagbibigay alam nito sa kanya at bumaling sa bata. "Will you introduce yourself to him, baby?"

    "I'm Vida Lakeisha Rivas- Montgomery. How about you?" Taas-noo nitong pagpapakilala.

    Nahigit niya ang malalim na paghinga dahil sa narinig. Hindi makapaniwala.

    Nginitian siya ni River. "I'm sorry, I wasn't able to tell you about Vida. Natatakot kasi akong tanggihan mo siya noon."

    "Mommy, who is he?" Tanong ng bata sa ina.

    "You envied your friends for having their Daddy with them, right? I told you, someday you'll meet your Daddy. I guess this is the right time."

    Namimilog ang mga matang lumipad ang paningin nito sa kanya."He's my Daddy?"

    River nodded.

    "Oh, God!" Iyon lang ang naisaad niya nang makabawi sa pagkagulat. Kinuha niya ito mula kay River.

    "Daddy!" Natutuwang niyakap siya nito at hinalik-halikan.

    Pinaliguan niya ito ng mga halik sa maliit nitong mukha at isinayaw-sayaw sa ere na nagpahagikhik dito.

    "I love you, Daddy!"

    "I love you, too, my baby girl." Muli niya itong hinalikan at niyakap...

Twin Switch [COMPLETED]Where stories live. Discover now