CHAPTER 5

4.1K 84 0
                                    

Chapter 5

DINAMPOT niya ang kanyang cellphone sa dashboard ng kotse nang tumunog iyon. Na-excite siya nang makita ang pangalan ni Gella sa screen.

"Nandito na ako sa lobby. Meet me here." Sabi nito.

"Okay. I'll be there."

Bumaba siya ng kanyang kotse at iniwan iyon sa may tabing kalsada. Medyo malayo sa hotel na pupuntahan niya.

Naglakad siya at lahat yata ng tao ay napapatingin sa kanya. No wonder, she's beautiful. Kahit pa nga may malaki siyang sunglasses sa mata.

Tumuloy siya sa loob ng hotel at kaagad nakita si Gella sa lobby. Papunta ito sa gawi niya at kanyang sinalubong. Tinabig nito ang kanyang balikat at pareho silang napayuko.

"I'll be your beck and call." Bulong nito at inabot sa kanya ang kapirasong papel.

"Thanks." Umayos na siya ng tayo at nagtungo na sa elevator. Binasa niya sa kapirasong papel ang kwartong pupuntahan. Nasa fifth floor pa iyon. Mabuti at doon lang.

When she entered the pad ay kaagad niyang tinawagan si Gella. "I'm already here. Salamat talaga."

"Great! Take care, friend."

"You too. You know what to do."

"Uh-huh!"

Hula niya ay kumindat pa ito.

Umupo siya sa couch at hinubad ang kanyang sapatos at sunglasses. Iginala rin niya ang paningin sa loob ng condo unit. Mamaya-maya pa'y napangiti na siya.

LAKE

PININDOT niya ang doorbell sa unit ni Raffa. Kailangan niya itong sunduin dahil sa dinner nila kasama ang mga magulang.

Hindi niya alam kung bakit siya napapayag ng ina na magpakasal sa kakambal ng kanyang ex-girlfriend na si River. Maybe he was still hoping to see River. Matagal na niya itong gustong maka-usap. Marami siyang gustong sabihin dito dahil sa mali niyang akala.

Raffa explained everything wayback. Halos gusto niyang magwala dahil sa iniakto niya na dahilan kung bakit nawala sa kanya si River.

He stay away from her at nang magbalik siya upang makipagbalikan dito ay ito naman ang nawala. Then the real Raffa showed up explaining the whole truth. Doon siya naliwanagan na hindi totoong nagtaksil sa kanya ang kanyang girlfriend. Ang totoong Raffa pala ang nahuli niyang kahalikan ni Frank.

Hindi nga ito nagtaksil ngunit ang dahilan nito upang mapalapit sa kanya ay ang maghiganti. For what? With just a simple kiss. Napakababaw ni River! Isa siyang ilog na mababaw!

Naiinis siya sa kaalamang pinaghigantihan lang siya nito. Sa loob ng dalawang buwan na magkasintahan sila ay napaniwala siya na totoong minamahal siya nito. It was just all a big lie!

Whenever he saw Raffa, he always remember his River. Call him masochist. At kung sakaling bumalik pa ito ay gusto niyang makaramdam ito ng sakit sa nalalapit nilang kasal ni Raffa. Iyon ay kung masasaktan nga ito.

Well, there's no harm in trying...

Bumukas ang pinto at kaagad niya itong nakita. Wow! Lalo yata itong gumaganda. She's wearing a black dress at nahantad ang maputi at makikinis nitong balikat maging ang likuran. He felt like caressing it.

"Done watching me? Do I look great?" Nanunukso ang paraan ng pagngiti nito. Yumuko ito at isinuot ang black stiletto.

Hindi sinasadyang napatingin siya sa cleavage nito. Whew! That's hot!

Twin Switch [COMPLETED]Where stories live. Discover now