CHAPTER 3

4.5K 92 1
                                    

Chapter 3

"HOW could you...?" Paninita niya kay Lake nang makalabas na si Frank ng kwarto matapos kamustahin ang lagay ng pinsan.

He crossed his arms on his chest and smiled widely. Showing his good set of teeth.

Hindi niya alam kung ano ang gimik ni Lake sa mga oras na iyon. Nagtataka siya kung bakit sinabi nito kay Frank na nobya na siya nito.

"Nabibilisan ka sa mga pangyayari? Ako din, eh." Sabi nito.

"W-What do you mean?"

"I like you a lot. Since the first time I saw you that night..." Diretsa nitong sabi na wala man lang paligoy-paligoy.

Kaya pala bigla siya nitong hinalikan ng gabing iyon. Kaya pala masyado itong papansin na ikinaiinis niya.

"You see, I can't help myself but kissed you." He added.

"It's your style to get a girl? Well, I'm sorry to say but I don't feel the same way. Hindi dahil gusto mo ako ay magiging girlfriend mo na ako. You're being unfair! "

"I'll court you then."

She rolled her eyes. Hindi yata siya makakaiwas sa kakulitan nito lalo pa't magkaklase sila nito sa maraming subject.

"Why do you hate me that much?" Seryosong tanong nito.

Napatitig siya ito. Mukhang seryoso talaga ang nararamdaman nito para sa kanya. Kapag nagseseryoso ito ay parang totoong-totoo ang nararamdaman.

"Ikaw ang makakasagot niyan." She looked away.

"Was is about the kiss? First kiss mo ba 'yon?"

Pakiramdam niya'y namula siya hanggang dulo ng kanyang buhok. "I'm not a kind of girl who enjoyed kissing a guy. Naiinis ako sa'yo dahil sa kapangahasan mo! That's why I hate you."

"Kasi nga gusto kita." Tumayo ito at lumapit sa kanya.

Lagi na lang siyang nagugulat sa bawat katagang binibitiwan nito. Bumibilis rin ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit. It's all new to her!

He held her hands. "Raffa..."

Nakaramdam siya ng pagkadismaya ng marinig ang pangalang iyon. Sa pagkakataong iyon ay siya nga pala si Raffa at hindi si River.

Kung gusto nga siya nito at balak ligawan ay baka unti-unti'y magustuhan niya rin ito. It can't be! Pagkatapos ng dalawang buwan ay magpapalit na ulit sila ng katauhan ni Raffa.

Wala siyang ideya kung ano ang mangyayari kapag bumalik na sila sa dati ni Raffa. Ano kaya kung paibigin niya si Lake at iwan ito sa totoong Raffa? Iyon na ang magsisilbing paghihiganti niya.

She let out a deep sigh. Masyadong malalim ang paghihiganting iyon. Baka siya ma-karma.

"What's that for?" Pagpuna nito sa pagbuntong-hininga niya.

"Nothing. Siguro naman kaya mo nang mapag-isa. I've my class to attend to." Pamamaalam niya dito.

Hindi pa rin nito binibitiwan ang kanyang mga kamay. "Salamat. Ang ganda mo kasi kaya hindi ko napigilan kanina na tingnan ka habang nagpa-practice kami. You even gave me a flying kiss. Nahimatay tuloy ako."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Kasalanan ko ba 'yon?"

Tumitig ito sa kanya.
Gusto niyang matunaw sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Parang ang dami nitong gusto sabihin ngunit pinili na labg na manahimik at tingnan siya.

Maya-maya'y niyakap siya nito ng mahigpit. "I want to thank God for having you in front of me."

Natagpuan niya ang sariling gumaganti sa yakap nito. Masarap ang pwesto sa mga bisig nito. What was happening to her?

Twin Switch [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora