CHAPTER 4

3.9K 92 0
                                    

Chapter 4

Years later...

PUMASOK sa loob ng kanyang opisina ang sekretaryang si Lanna. Her ever loyal secretary. Itinuturing na rin niya itong kaibigan.

"Ma'am, tumawag ang Mommy mo kanina. She's expecting a call from you. May importante daw siyang sasabihin sa'yo." Pormal nitong wika.

Parang nahuhulaan na niya ang importanteng sasabihin sa kanya ng ina. Marahil ay pipilitin na naman siya nitong umuwi ng Pilipinas. Alam rin niyang nangungulila ito sa kanya kahit na nga ba kapiling ng mga ito ang kanyang kakambal.

"Thanks. I'll call her back," pag-a-assurance niya kay Lanna.

Nagpaalam na ito at umalis, maya-maya'y dinampot na niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang Mommy. It's been six years since the last time she saw her Mom. Nagtatawagan naman sila ngunit nitong mga nagdaang buwan ay naging busy na siya sa trabaho.

She's managing their company in Paris. Hindi na siya makauwi ng Pilipinas dahil sa dami niyang inaasikaso. Ayaw na rin naman niyang bumalik doon.

"Honey, I miss you. How have you been? I was really trying to reach you and now I'm glad you call." Pagbungad kaagad nito nang tawagan niya.

"I'm with my paperworks. I'm sorry. I wasn't able to call anymore for the past few months." Hinging paumanhin niya sa ina.

"I understand. Can you come home?"

"Mom... we've had enough of this conversation." Sumusuko niyang saad. Tama nga ang iniisip niya kanina.

"Your sister wants you here on her upcoming wedding."

Natigilan siya sa narinig. Talagang siniswerte ang isang iyon. Nakatagpo pa talaga ng "Mr. Right" nito.

"Honey, you still there?" Untag nito.

"Y-Yeah. Is that all?"

"Gusto na niyang magkaayos kayo kaya gusto ka niyang maka-usap ng maayos. Please, I'm begging you. Just this once." Pagsusumamo ng kanyang ina.

"I'll convince myself. "

"Please..." Her Mom continue pleaded.

"Mom, I'm busy right now. I'll call you again. Bye..."

She ended the line. Then, she let out a deep sigh afterwards.

Is it the right time?

SUNUD-SUNOD ang narinig niyang pagkatok mula sa labas ng kanyang private office dito sa kanyang pagmamay-aring restaurant. Hilig niya ang pagluluto kaya naman nang matapos niya ang kursong Business Management ay nag-aral siyang magluto. Apat na taon sa Culinary Arts.

Nakapagpatayo siya ng isang classy restaurant at kasabay ng kanyang career sa pagluluto ay pinamamahalaan niya ang kompanya ng pamilya nila dito sa Paris. Mahirap ngunit masaya siya sa ginagawa. Nakapagpatayo na rin siya ng ibang branch ng kanyang restaurant sa iba't ibang lugar at bansa. Isa na roon ang Pilipinas.

"Come on in." Pagbibigay permiso niya sa panauhin.

Bumukas iyon at natuwa siya ng makita si Gella na may dalang tatlong pink balloons na maliliit at isang box ng cake. Gella is a fashion designer here in Paris at nagmamay-ari na ng boutique.

Tumayo siya at nakipag-beso dito. "Oh! You remember. Thank you." Kinuha niya ang bitbit nito at inilagay sa desk.

"Of course! Happy Birthday!" Masayang bati nito.

"Nakita ka ba ng mga tao sa labas?"

"Yep! They asked me if it's your day." She said,smiling.

"Maingay ka talaga."

Gella chuckled. "Labas tayo mamaya. My treat."

Napangiti siya. "Really? Saan naman?"

"Ako na ang bahala. By the way, I've something to tell you. "

Kumuha muna siya ng dalawang saucer at tinidor. Hiniwa niya ang cake at binigyan ito.

"What's that?"

Umupo ito sa couch at tiningnan siya. "Your twin sister is getting married."

Hindi na iyon bago sa kanya. Hindi na rin siya nagulat. "I know. Mom called me the other day. Gusto na nga raw makipag-ayos sa'kin ni Raffa. She wants me to attend her wedding day."

"And?"

She shrugged her shoulders. "I'm not coming."

"You wanna know who's the groom to be?"

Bigla ay kinabahan siya sa tanong nito. Parang may kakaiba.

Twin Switch [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora