CHAPTER 7

3.8K 74 1
                                    

Chapter 7

TULALA siya habang hinahawakan at pinagmamasdan ang wedding gown na nasa kanyang harapan. Nararapat iyon para kay Raffa at hindi sa kanya.

"Hindi ka ba natutuwa? Ikaw ang nag-design niyan, 'di ba?" Puna ng kanyang ina.

Sinamahan siya nito sa kanyang Couturier. Isang buwan na lang at ikakasal na dapat si Raffa. Siguradong sobrang matutuwa ito kung makikita nito ngayon ang gawa nitong wedding gown.

Pakiramdam niya ay hindi iyon nababagay sa kanya. She don't deserved wearing Raffa's wedding dress. Sinira niya ang pangarap nitong maikasal sa lalaking minamahal nito at minamahal niya rin hanggang ngayon. Mistula siyang isang kontrabidang witch na hinahadlangan ang kasiyahan ng isang prinsesa.

Pero sinira rin nito ang relasyon nila ni Lake noon. Kinutya-kutya pa siya nito noon. At malalaman niya na si Lake pala ang pakakasalan nito? Napakawalang delicadeza! Alam naman nitong may nakaraan sila ni Lake.

"You wanna know who's the groom to be?"

"Sino?"

"Your ex-boyfriend Lake."

Tila gumuho ang kanyang paligid nang marinig iyon mula kay Gella.

Gumawa sila ng plano ni Gella kung papaano nila mahahadlangan ang kasal nina Raffa at Lake. Pinauna niya itong umuwi ng Pilipinas.

Hindi naman alam ni Raffa na magkaibigan pa rin sila ni Gella hanggang ngayon at walang kaalam-alam ang kanyang kakambal na parte ng kanyang plano na muling makipagkaibigan si Gella dito.

Tinatawagan siya noon ni Gella sa mga nalalaman nito tungkol kayna Lake at Raffa. Gella seen them dating almost everyday. Sinusundan-sundan nito ang dalawa saan man magpunta.

Ginagawa ni Gella ang mga bagay na iyon para sa kanya. She was thankful. Galit din ito kay Raffa dahil sa paglalandi nito sa nobyo noon ni Gella na si Frank.

Hindi niya rin alam noon na nobyo pala ni Gella si Frank. It's because she was pretending Raffa that time. Kaya pala kung titigan siya noon ni Frank ay parang laging may ibig sabihin. He was even clenching his teeth whenever she was with Lake before.

Siguro'y hindi pa man sila nagpapalit ng posisyon ni Raffa ay nilalandi na nito noon si Frank. Knowing Raffa, she's counting men. Well, she can't count dahil sa dami.

Matapos ang "maling-akalang-insidente" ay nagalit din si Gella kay Raffa maging si Dane. She waited for Lake's come back but he never did. Gumawa siya ng paraan ngunit nabigo siyang maka-usap ito.

Nang maka-graduate siya sa college ay kaagad siyang ipinadala ng kanyang mga magulang sa Paris, France. She run their company. Ngunit nanatili man siya sa Paris ng anim na taon ay naiwan naman ang kanyang puso at isipan kay Lake.

Nawalan siya ng balita tungkol kay Lake. Hinayaan na rin niya ang sariling makalimutan ito ngunit hindi pala siya nagtagumpay.

At ngayon, tama bang ipaglaban niya ang pagmamahal dito? Tama bang hadlangan niya ang kasal nito sa kanyang kakambal?

"Mommy, bagay ba sa akin itong gown? Ano sa tingin mo?"

"Of course! Lalong lulutang ang ganda mo baby ko." Her mom smiled and caressed her cheeks.

Napatitig siya sa ina. Nagi-guilty siya kapag kina-kausap niya ito. How could a daughter fool her loving mother? Pakiramdam niya ay ang sama-sama niyang anak.

"Thanks, mom." Bigla ay niyakap niya ito.

Oh, how she missed her mother!

Gumanti ito. "I wish you all the best, Raf. Mahirap ang may buhay asawa but I know you can do it. Mabait at responsableng bata naman si Lake. Hinding-hindi ka niya pababayaan."

Twin Switch [COMPLETED]Where stories live. Discover now