Chapter 14

27.7K 1.3K 570
                                    

Quad bike




Masaya akong makita na may sariling cellphone si August kagaya ng mga kaibigan namin. Nang magkita-kita silang tatlo ay kaagad niyang ipinakita sa mga 'to ang ibinigay ko sa kanya kagabi.

"Ikaw, hindi ka bumili?" tanong nila Ruth sa akin.

Marahan akong umiling. Hindi ko naman kailangan dahil ayos na sa akin yung cellphone na gamit ko ngayon. Wala naman kasi akong pinapanuod kagaya nila.

Ma-benta ang prutas ngayong araw lalo na't araw ng linggo. May tiagge sa gitna ng kalsada papasok sa may palengke kaya naman madami ang tao.

"Vesper," tawag ng kararating lang na si Ate Vilma sa akin.

"Oh, Ate Vilma...napadaan po kayo?" tanong ko sa kanya.

Na-ibigay ko na sa kanya ang kita buong araw kahapon.

"Kulang yung perang ibinigay mo sa akin. Iba yung computation mo sa actual na pera," sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Po? Ilang beses ko po 'yang binilang...tama naman po," sagot ko sa kanya.

Pumasok siya sa pwesto para ipaliwanag sa akin kung saan ako nagkamali. Kulang nga ng halos dalawang libo ang perang dala niya.

"Pero sigurado po ako na tama po yung ibinigay kong pera kagabi sa inyo," giit ko.

Nasa amin na din maging ang atensyon ng ibang tindera mula sa kalapit na pwesto. Nakakahiya 'yon pero bakit naman ako mahihiya kung alam ko namang wala akong ginagawang masama?

"E, saan naman mapupunta yung kulang na dalawang libo?" tanong niya sa akin.

Hindi din ako naka-imik, hindi ko din alam. Sigurado akong sakto ang perang ibinigay ko sa kanya.

Nanatili ang tingin ko sa notebook kung saan nakasulat ang mga computations ko. Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman ko ang paglapit nina August sa amin.

"Ano pong problema?" tanong niya kay Ate Vilma.

"Kulang ang pera ng kita kahapon," sagot niya dito.

Nilingon ko si August, nakatingin kaagad siya sa akin.

"P-pero tama naman ang bilang ko kagabi," marahang sabi ko sa kanya.

Hindi pa man siya nagsasalita ay may iba ng naki-usyoso sa nangyayari.

"Anong...anong ginagawa niyo dito? Hindi kayo kasali sa pag-uusap," sita ni Ate Vilma sa kanila.

Maging ang mga kaibigan ko ay tumulong na din para paalisin ang mga nakiki-usyoso.

"Di ba binilhan ni Vesper si August ng bagong cellphone," sabi ni Susan mula sa kung saan.

Kaagad siyang hinanap ng mga mata ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pakikisali niya dito. Mahilig talagang maki-sawsaw ang isang 'to.

"P-pera ko ang pinambili don," laban ko kahit hindi naman talaga kailangan na magpaliwanag ako sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay at ngumisi sa akin. Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Ate Vilma dahil siya naman talaga ang kausap ko at hindi ang iba.

Habang nakikipag-usap ay ilang beses din akong napasulyap sa tahimik na si August, mariin din siyang nakikinig sa sinasabi ni Ate Vilma. Ramdam kong nagdududa din siya kung paano ko nabili ang cellphone niya.

"O, di ba? Kulang ng halos dalawang libo..." sabi niya sa amin ng inulit niya ang pag-compute sa aming harapan.

"Pasencya na po, Ate Vilma. Ako na po ang bahalang mag-bayad sa kulang," sabi ni August sa kanya.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon