Special Chapter

39.5K 1.4K 211
                                    

Hi loves! Thank you for reaching this far. This is the last story under Night Sky Series. Parang kelan lang nasa first story pa lang tayo, ngayon we will officially closed this series. I hope na marami kayong natutunan sa stories ng ating mga kontrabida turns to bida. We should always remember that we are the main character of our own story. May we always give our self a multiple times to be the best version. I really enjoyed this whole roller coaster journey with you. I love you all, always. See you sa MIBF! God bless and love lots! Maria. 


MIBF Book signing will be announced very soon. You can visit my socmed accounts to be updated. 

----------------------


Night Fall





Mas lalong humigpit ang yakap ko sa aking asawa. Nandoon ako sa kanyang tabi pero ang isip ko ay kung nasaan na napunta. Napabuntong hininga ako bago ako humalik sa kanyang ulo, kakaibang pagkalma ang hatid ng amoy niya sa akin. Her prescence feels like home.

Maraming tumatakbo sa isip ko, maraming tanong na what ifs. Dahil ang totoo, kahit kasama ko na ulit siya, kahit kasal na kami ay takot pa din ako. Na para bang tuwing gumigising ako ay natatakot akong may possibilidad na panaginip lang ang lahat.

Vesper will always be my home. She is my home. Na kahit sinubukan kong iwanan noon ay ibinalik pa din ako ng tadhana sa kanya dahil dito ako nararapat..sa piling niya.

At wala akong ibang nakikitang kasamang tumanda kundi siya lang. Because almost all of my life kasama ko si Vesper.

Tsaka lang parehong napukaw ang atensyon naming dalawa nang magkagulo, isang nurse ang humahangos palabas ng ICU kung nasaan si Lolo. Doon namin nalamang gising na siya kaya naman kailangan kaagad siyang mapuntahan ng mga Doctor.

Pareho kaming hindi nakapagsalita ni Vesper, una kaming tinubuan ng takot dahil sa inakalang kung anong nangyayari. Tsaka lang nakahinga ng maluwag nang sabihin sa aming magandang balita 'yon.

"Tatawagan ko lang sina Julio," paalam ko sa kanya.

Sandali akong bumitaw sa kanya para kuhanin ang phone ko at tawagan ang aking kapatid. Na-intindihan naman kaagad 'yon ni Julio at sinabing pupunta kaagad sila dito sa hospital.

"Ayos ka lang?" salubong na tanong ni Vesper sa akin pagkababa ko ng tawag.

Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. Kahit ganoon ang isinagot ko ay lumapit pa din siya sa akin para yakapin ako.

"Magiging ok na ang Lolo mo," sabi niya sa akin. Sa paraan nang pagkakasabi niya no'n ay para bang pinapakalma niya ako.

Kahit hindi naging maganda ang pakikitungo ni Lolo sa kanya ay hindi ko kailanman narinig na nagsabi si Vesper ng masama tungkol dito.

Matapos ang ilang sandali ay lumabas na din ang mga Doctor at sinabing stable na ang lagay ni Lolo at gising na siya.

"Pwede na kayong pumasok..." sabi niya sa akin.

Nanatili ang tingin ko sa Doctor, naramdaman ko naman ang paglingon ni Vesper sa akin na para bang sinasabi niya pumasok ako. Maging ang pagtaas baba ng kamay niya sa likuran ko ay naramdaman ko din. Alam ko na kung anong gusto niyang mangyari.

"Sasamahan mo ako?" tanong ko sa kanya.

Wala namang kailangang ikatakot, pero nakakaramdam ako ng takot sa hindi ko malamang dahilan.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon