Chapter 54

31.9K 1.5K 132
                                    

Bangin








Dahil sa naging pag-uusap namin ni August ay hindi na namin na-isip pang lumipat sa kwarto. Ayaw na din kasi naming ma-istorbo ang tulog ni Verity kaya naman hinayaan na namin siya sa may kuna niya.

Kahit nasa may sala lang kami ni August ay panay pa din ang maya't maya kong pagtayo para lang tingnan kung ma-init pa ba siya, o kung may kailangan pa ba siya kahit mahimbing naman ang tulog ng baby ko.

Kahit noon pa man, sa tuwing nagkakasakit si Verity ay parang isang kasalanan na para sa akin na iwan ang tabi niya sa mga oras na kagaya nito. Mas gusto ko kang karga ko na lang siya buong oras. Pero ang sabi naman nila sa akin, mas mabilis siyang gagaling kung kumportable siyang makakatulog.

"Teka..." paalam ko ulit kay August.

Ni hindi ko na halos mabilang kung ilang beses akog tumayo mula sa pagkaka-upo sa tabi niya. Napangisi na siya, at ng tangka na akong tatayo ay kaagad na niya akong hinila pabalik sa kanya. Hindi na niya hinayaan na makatayo pa ako.

"Pang-pitong tayo mo na 'yan." Sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

Nagulat ako dahil nagawa pa niyang mabilang 'yon.

"Iisipin ko na niyan na ayaw mo akong katabi," nakangising sabi niya.

Kita sa mukha ni August ang nilalabanang antok. Kita ang pagod at puyat. Pero ginagawa pa din niya ang lahat para hindi siya kainin ng antok, para bang nilalabanan niya talaga ito dahil ayaw niyang makatulog.

"Hindi naman sa ganoon," sagot ko sa kanya. Medyo nahihiya pa.

Muli akong nanibago, nakaka-usap ko naman ng ganito si August dati. Pero matagal na 'yon, parang nangangapa pa ulit ako. Para bang muli akong nag-aadjust na kausapin si Senyorito August.

Muling bumalik yung pakiramdam ko na may agwat sa pagitan naming dalawa. Pero baka nga naninibago lang ako. Dahil pagbali-baliktarin man ang mundo, siya pa din si Senyorito August, at siya pa din si August na naging asawa ko.

Nagtaas lang siya ng kilay dahil sa sinabi ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa bewang ko, halos hilahin na din niya ako palapit sa kanya. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa kabila ng lamig sa paligid.

Nawala na nga sa isip ko na walang kuryente. Bukod sa maliit na flashlight at liwanag ng buwan sa labas na nagbibigay liwanag sa amin ay nagagawa ko pa ding makakilos ng maayos, ni hindi ko inalintana ang dilim.

May kung ano sa presencya ni August ang nagpapagaan ng lahat para sa akin. Na itong pagtatago namin ay hindi ko masyadong inaalala dahil kasama namin siya, magkakasama kaming tatlo kaya naman alam kong kakayanin namin 'to.

Ang isa niyang kamay ay naka yakap sa bewang ko, habang ang isa naman ay kaagad na hinagilap ang kamay ko, malaya niyang pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Nasaan na ang wedding ring mo?" tanong niya.

Ramdam ko ang paghawak niya sa ring finger ko na para bang may hinahanap siya doon. Kahit madilim ay nagawa kong tingnan ang kamay kong hawak niya.

"H-hindi ko na alam," pag-amin ko sa kanya.

Nakalimutan ko na din kung saan ko na-itago 'yon. Sa dami ng pinagdaanan namin ni Verity, sa dami ng problema na kinaharap ko, nawala na 'yon sa isip ko.

Sa gitna ng dilim ay naaninag ko kung paano siya marahang tumango.

"It's ok. I'll gonna put a new ring on your finger," sabi niya sa akin bago ko naramdaman ang paghalik niya sa ulo ko.

"Papakasalan kita ulit," pahabol pa niya.

"Papakasalan kita ng paulit-ulit," dugtong niya.

Kaya naman ramdam ko kung paano nag-init ang magkabilang pisngi ko, naramdaman ko kung paano namanhid ang batok ko pababa sa aking braso dahil sa pagtayo ng balahibo ko dito.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon