Chapter 42

32.8K 1.6K 181
                                    

Invest




Mas pinili kong hindi ipaalam sa kanilang dalawa na narinig ko ang pinag-uusapan nila. Hinarap ko ang nakangusong si Melanie, para bang lungkot na lungkot siya dahil sa mga narinig.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Matigas pa din?" tanong niya habang nakaturo sa sariling dibdib.

Imbes na sagutin siya ay pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ikaw unang pumasok," sabi ko.

Ayaw niya sana nung una, pero sa huli ay ginawa na din niya. Gutom na daw kasi siya at alam niyang hindi kami makakapagsimulang kumain kung pareho kaming magmamatigas na dalawa.

Ngumisi si Melanie kasabay nang pagtikim ko nang sa tabi ni Verity napiling umupo ni August, dahil sa kanyang ginawa ay napapagitnaan na namin siya ngayon. Bukod sa tingin ni Melanie ay ramdam ko din ang tingin ni Nanay sa amin.

Hindi ko na lamang pinansin at nag-umpisa na din akong kumain. Nakita kong hands-on si August kay Verity kahit hindi pa ganoong nakakakain ng maayos ang baby ko.

Ayos na sana ang lahat, pero nagulat ako nang sandali siyang tumayo para kuhanin si Verity sa baby chair niya, tinaas ni Nanay ang isa niyang kamay para tumawag ng kasambahay. Nang makuha ni August ang baby ko ay kaagad naman niyang inusog ang upuan niya palapit sa akin.

Kinandong niya si Verity at nagsimula nang kumain. Nilingon ko ang baby ko na kumportable sa pagkakakarga ng Daddy niya. Hindi ko pwedeng ipagkait ang mga pagkakataong kagaya nito sa kanya. Kaya naman mas pinili ko ang manahimik.

Sinamaan ko nang tingin si Melanie nang makita kong kinuhanan niya kami ng litrato.

"Happy family," she mouthed.

Marahan akong umiling at nag-iwas ng tingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

"Matututukan mo pa ba si Vesper sa training niya pag nag-umpisa na ang business mo?" tanong ni Nanay kay August sa kalagitnaan ng aming pagkain.

"Opo, Nay. Hindi pa din naman kami kaagad makakapag-umpisa dahil naghihintay pa kami sa sagot ng ibang investors na nilapitan namin," sagot niya dito.

"Turuan mo ng mabuti itong si Vesper. Pag siya na ang nagpapatakbo ng companya ay baka mag-invest din siya sa 'yo," sabi ni Nanay.

Ramdam ko ang pang-aasar niya sa amin ni August sa tono ng pananalita niya.

"Sa akin po?" nakangiting tanong niya.

Natawa si Nanay. "Sa companya," pagtatama nito.

Hindi ko na alam kung ilang buntong hininga pa ang kailangan kong gawin para pagaanin ang loob ko. Gusto kong magpatawad...pero mahirap makalimot.

Gusto kong bumigay sa tuwing nakikita ko si August, sa tuwing nararamdaman ko yung sinseridad sa boses niya. Sa tuwing sinasabi niya sa akin na babawi siya...nagsisisi siya. Pero sa tuwing papunta na ako doon, muling bumabalik sa akin yung mga nangyari noon.

Tsaka lang tuluyang gumaan ang pakiramdam ko nang mangibabaw ang tunog ng pag-thumb suck ni Verity, sinusubo niya na ang hinlalaki niya na akala mo ay chupon 'yon.

"Gutom na..." malambing na sabi ni August dito bago niya hinalikan sa ulo ang anak namin.

"Akin na siya," sabi ko.

Kanina pa naka-abang ang baby bottle sa tabi ko. Alam ko kasing ano mang oras ay magugutom siya.

Marahan siyang umiling, siya na mismo ang kumuha nang baby bottle.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon