Chapter 58

36.6K 1.6K 246
                                    

Ours




Nanatili ang pagkaka-awang ng aking labi habang marahan pa ding gumagalaw si August sa aking ibabaw. Ramdam kong tapos na siya, pero hindi pa din siya umalis sa ibabaw ko, na para bang kahit halos tapos na siya ay dinadama pa din niya ang lugar niya doon.


Humigpit ang kapit ko sa kanyang braso, halos mag-marka ang kuko doon dahil sa kakaibang sensasyong dala ng marahan niyang ginagawa sa akin. Iba ang galaw ni August kung bibilisan niya, ibang-iba din naman kung marahan...alam talaga niya ang ginagawa niya, alam na alam talaga niya kung paano niya ma-markahan ang sa kanya.

Matapos niyang mahusto ay umayos siya para magkaharap ang mga mukha naming dalawa. Tipid siyang ngumiti, bago siya tuluyang humilig at hinalikan ako sa noo, sa tungki ng ilong, sa magkabilang pisngi, at bago nila ako muling siniil ng halik sa aking labi.

Halos dumulas ang kamay ko sa braso niya ng marahan siyang umalis sa ibabaw ko. Ramdam ko ang pag-alis niya doon, ramdam kong may kung anong kulang. Si August lang ang kayang magparamdam non sa akin, at sa kanya ko lang 'yon gustong maramdaman.

Umayos siya ng higa sa aking tabi, ipina-unan niya sa akin ang kanyang braso. Hindi na ako nag-protesta pa at sinunod ang gusto niyang mangyari. Kahit naka-unan na ang ulo ko sa braso niya ay panay pa din ang paghila niya sa akin palapit sa kanya. Na kahit ramdam na naming ang init ng katawan naming dalawa ay hindi pa din 'yon sapat para sa kanya.

"I miss you..." marahang sabi niya matapos ang malalim na pagbuntong hininga.

Nakapikit siya habang dinadama ang pagyakap niya sa akin. Tiningala ko siya kaya nakita ko 'yon. Sandaling nagtagal ang tingin ko sa kanya, iba talaga ang dating ng presencya niya sa akin. Para bang araw-araw kong nakikita yung crush ko, at hindi din ako makapaniwala na asawa ko siya...akin siya.

Mukhang naramdaman ni August ang pagtitig ko sa kanya kaya naman matapos bahagyang kumunot ang kanyang noo ay bigla siyang dumilat para hulihin ang tingin ko sa kanya.

Huli na para bawiin ko pa 'yon, hindi na din kasi ako nakapag-isip pa ng maayos kaya naman hinayaan ko na lang na makita niyang naka-tingin nga talaga ako sa kanya. Muli niya akong hinila palapit sa kanya para mahalikan niya ang ulo ko.

"I miss you, Vesper. Kahit nandito ka...kahit yakap na kita," marahang sabi niya sa akin.

Halos magsi-tayuan ang balahibo sa katawan ko sa paraan ng pagkakasabi niya non. Ramdam ko yung sinseridad, ramdam kong totoo ang nararamdaman niya.

Sa panahon kasi ngayon, bihira mo na lang maramdaman 'yon. Kahit sino kasi pwedeng sabihin na mahal ka, kahit sino pwedeng magsabi na na-miss ka nila. Pero yung pakiramdam na totoo 'yon, sa piling tao mo lang 'yon makikita, sa piling tao mo lang 'yon mararamdaman.

Nagtaas siya ng kilay dahil sa pagiging walang imik ko.

"Ako, hindi mo 'ko miss?" nakangising tanong niya sa akin.

Kita ko ang pagpula ng tenga niya, kahit ganoon ay nagawa pa din niyang umakto na para bang normal lang ang lahat, kahit ako ay halos manigas na sa pwesto ko. Ang tagal naming nagkahiwalay, kaya naman hindi na ako nagtataka na ganito ulit yung nararamdaman ko pag sobrang lapit naming dalawa.

Lapat na lapat ang aking labi, gusto kong sumagot sa tanong niya pero nahihiya ako, maging ang boses ko ay mukhang tatakasan pa ako.

Muli siyang ngumisi. "Hindi ako miss..." nagtatampong parinig niya. ang kamay kong mahigpit ang kapit sa kumot ay kaagad niyang kinuha, hindi ko na napigilan pa ng ilipat niya 'yon sa kanyang hubad na dibdib, mas lalo kong napatunayan kung gaano ka-init ang hubad niyang katawan.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon