Chapter 15

30.2K 1.4K 581
                                    

Panaginip




Nagmamadaling nagpaalam si Ate Vilma sa akin ng maka-para siya ng tricycle. Sinundan ko 'yon ng tingin hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.

"Ano daw ang sabi?" tanong ni Jolina sa akin.

Dahil sa tanong niya ay muli niyang nakuha ang atensyon ko.

"Si Sir Damien daw ang amo naming?" sabi ko kay Jolina na hindi pa sigurado.

Tumango siya at sandaling nag-isip.

"May malaking prutasan kasi ang mga Gallego, maraming business...tunay na haciendero," kwento niya.

Habang pabalik kami ay puro tungkol kay Sir Damien na ang ikinikwento niya sa akin.

"Doctor siya?" namamanghang tanong ko.

Tumango si Jolina. "Doctor kagaya ni Senyora Diane."

Nalaman ko din kay Jolina na matagal ng wala ang Ina ni sir Damien at tanging ang ama na lang niya ang kasama niya.

"Wala siyang kapatid?" tanong ko, sa hindi malamang dahilan ay naging interisado na din ako sa kwento nito.

Marahas na umiling si Jolina. "Nag-iisang tagapagmana...kaya nga maraming may gusto diyan. Bukod sa gwapo na...instant haciendera ka pag nagkataon," sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Hindi ba't hindi naman 'yon ang mahalaga pag nagmamahal ka?" tanong ko kay Jolina.

Nakita ko ang bahagyang pag-awang ng labi niya bago siya matamis na ngumiti sa akin. Ibinigay niya sa akin ang buong atensyon niya.

Bigla kong na-alala si August. May marangyang buhay na naghihintay sa kanya sa oras na maka-alala siya. Itinago ko 'yon sa kanya, pero gusto ko ding linawin na hindi ko siya minahal at pinakasalan dahil sa kung anong meron siya.

Kahit wala ang mga 'yon ay siya pa din ang pipiliin ko.

Naabutan namin sa labas ng bahay sina Tay Vinci, August, at ang ilang bagong kakilala. Nagtama kaagad ang tingin naming ni August. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin hanggang sa makalapit ako sa kanya.

Naglahad siya ng kamay kaya naman dumiretso na ako. Pumulupot kaagad ang kamay niya sa bewang ko bago ko naramdaman ang paghalik niya sa aking ulo.

Itinaas ko sa kanya ang dala kong pagkain. Napangiti ako ng tinaggap niya ang pagsusubo ko sa kanya.

"Kilala ko na kung sino ang may ari ng prutasan," kwento ko sa kanya.

Ikinwento ko kay August ang mga nalaman ko kay Jolina. Parang mga chismosa at chismoso na tuloy kaming dalawa.

"Gwapo?" tanong niya sa akin.

Hindi ko namalayan na ilang beses ko palang nasabihan na gwapo si Sir Damien habang sinasabi ko 'yon kay August.

Napanguso ako at ngumisi. Humilig ako para bumulong sa kanya, humilig din siya para hindi ako mahirapan.

"Mas gwapo ka..." sabi ko kaya naman napahalakhak siya.

Humigpit ang yakap niya sa bewang ko kaya naman napayakap na lang din ako sa kanya.

"Kung ayos lang sa inyo. Pero wala ba kayong trabaho bukas?" tanong ni Tay Vinci.

"Meron po. Pwede naman po siguro kaming magpaalam muna," sagot ni August sa kanya.

Wala namang kaso sa akin kung dito kami magpapalipas ng gabi. Nakita ko din kasi ang sira sa bubong ni Tay Vinci. Ang sabi ay malakas ang tulo sa tuwing umuulan. Kaya naman pala may nakahanda ng balde doon kung sakali.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon