Chapter 50

35.8K 1.7K 159
                                    

Gusto




Hindi ako na ako nakapagsalita pa, nagtagal ang titig ko kay August, halos malunod ako sa klase ng tingin na ginagawa niya sa akin. Kita ko kung paano mangusap ang kanyang mga mata. Na para bang bukod sa mga salitang lumalabas sa bibig niya ay ramdam ko pa 'yon dahil sa tingin niya.

Patuloy na nakalahad ang kamay ni Verity sa harapan ng Daddy niya. Gusto niya pa ding magpabuhat dito. Para bang alam din ng baby namin na aalis siya. Ayaw din niyang umalis si August. Ilang beses siyang gumawa ng ingay para magpapansin sa Daddy niya, tipid na ngumiti si August.

Ramdam ko ang kagustuhan niyang kuhanin ang anak namin, yakapin at halikan pero nagdadalawang isip siya dahil sa sakit niya.

"Baka mahawa ka...may sakit si Daddy," malambing na pagkausap niya dito.

Sandaling natigilan si Verity, nakikinig siya ng mabuti kay August. Doon ko nakumpirma na mukhang mag mga oras na nagkakaintindihan talaga silang dalawa.

"Pag balik ni Daddy, ok?" malambing na sabi pa niya kay Verity. Na ngayon ay kalmado na.

Mula kay Verity ay lumipat ang tingin niya sa akin. Alam ko namang kabado siya at problemado dahil sa hindi inaasahang problema, pero heto't nagagawa pa din niya kaming ngitian para ipakita sa amin na ayos lang siya, na wala kaming kailangang ipag-alala.

"Babalik ako mamaya," marahang sabi niya sa akin.

Sa sinabi niyang 'yon ay hindi lang si Verity ang binigyan niya ng assurance, hindi lang si Verity ang pinakalma niya, maging ako din.

Hindi ko naman mapagkakailang nakita ko kung gaano kahaba ang pasencya ni August pag dating sa akin. Sa mga ginagawa ko, sa pagtrato ko sa kanya. Kahit minsan iniisip ko na dapat lang 'yon, tama lang na mahaba ang pasencya niya dahil may kasalanan siya, dahil sinaktan niya ako.

"Let's go," yaya sa kanya ni Nanay.

Magkasabay namin siyang nilingon, ramdam ko ang pagiging seryoso niya, alam ko kaagad na handa siyang tulungan si August sa bagay na 'to. Na hindi namin kailangang mag-alala dahil nandyan si Nanay.

"Sasamahan ko po kayo, Nay," sabi ko.

Lumapit siya sa amin ni Verity, tipid siyang ngumiti at bahagyang umiling.

"Dito na lang kayo ni Verity. Sandali lang naman kami ni August doon. Hindi kami magtatagal," paninigurado niya sa akin.

Nanatili ang tingin ko kay Nanay, gusto kong magpumilit na sasama ako, pero hindi ko na rin naman nagawa. Kailangan na nilang umalis ngayon, at ano namang gagawin ko doon? Baka wala naman akong ma-itulong.

Habang kausap si Nanay ay ramdam ko ang tingin ni August sa akin. Hanggang sa sumuko na lang ako at hinayaan silang umalis.

"Wag niyo na kaming ihatid sa labas," pigil ni August sa akin.

Nagtaas ako ng kilay, hindi ko alam kung bakit. Nagkatinginan sila ni Nanay, para bang may nagpagkasunduan silang dalawa sa simpleng tingin lang na 'yon.

"Dito na lang kayo," tipid na ngiting sabi ni Nanay sa akin.

Hindi na ako nagtanong pa, tahimik naming pinanuod ni Verity ang paglabas nila.

"Ako na titingin," sabi ni Melanie.

Hindi ko na siya napigilan pa. Hinayaan kong siya ang sumunod sa paglabas nila Nanay at August. kaagad na nawala ang atensyon ko sa kanila nang umiyak si Verity.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon