CHAPTER ONE

25 2 0
                                    


CHAPTER ONE

BIGLA akong napabangon nang tumunog ang cell phone ko. Si Jonas ang nagtext—my two months boyfriend. Okay lang din dahil kailangan ko ring gumising nang ganito kaaga. Alas-kuwatro ng madaling araw. Tumunog na rin ang alarm clock na nasa gilid ng kama ko, saka ko iyon pinatay.

Nag-reply ako kay Jonas. "Gising na 'ko. Thanks." 'Di ko na hinintay ang reply ni Jonas. Naligo na ako agad. Pagbalik ko sa kuwarto, nakita ko ang cell phone kong nagba-vibrate, may tumatawag. 'Di ko kilala ang numero. Hinayaan ko lang. Hindi ako sumasagot sa mga 'di ko kilalang numero. Kung importante, puwedeng mag-text muna siya para makilala ko.

Ako nga pala si Violeta. Bawasan mo na lang ng "A" para maging Violet. Mas gusto kong iyon ang tawag sa akin kesa sa totoo kong pangalan. Fourth year High School na 'ko ngayon. Mahaba ang buhok ko, 'di naman ako maputi o kaya maitim, kumbaga fair lang.

Magkaklase kami ni Jonas. Baka next month, palitan ko na siya. Nasasakal na kasi ako sa kanya. Wala akong pakialam kung guwapo siya, kung escort siya sa klase, kung kinaiinggitan ako ng mga schoolmate ko dahil boyfriend ko siya. Dahil ayoko sa nananakal na boyfriend.

Hindi ko naman talaga siya gusto. Hindi ko naman siya crush. Wala akong ka-amor-amor sa kanya.

First year, first day of school, nabangga niya ako. Sininghalan niya ako kahit siya ang may kasalanan at natapunan pa ako ng iniinom kong C2. Wala siyang modo. Kaya nawala ang atraksiyon ko noon sa kanya. At nang maging kaklase nga kami, ay nagpalipad hangin na siya sa akin. Ni hindi ko siya pinansin noon. Sabi ko sa sarili ko noon, manigas siya at maglaway siya.

Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero maganda ako. Palagi akong muse sa klase simula pa noong elementarya.

Hanggang sa umabot kami ng Third Year High School ay nanligaw pa rin siya sa akin. Ngayong fourth year na kami ay talagang nakulitan na ako. Pinagbigyan ko na siya. Bahala siya sa buhay niya. Ni hindi pa nga siya nakakahawak sa kamay ko. Sabi ko pa noon ay 'wag niyang hahawakan ang kamay ko kung ayaw niyang makipag-break ako sa kanya. Umalma siya, pero wala na rin siyang nagawa dahil talagang gustung-gusto ako ng loko.

Pagdating ko ng school ay naroon na siya sa gate. Hindi ko naman sinabing hintayin niya ako palagi rito sa gate. Ang tanga talaga ng lalaking ito. Bakit ba siya nagpapakamartyr sa akin? Alam naman niyang sa una pa lang ay ayoko na sa kanya.

Nakita ko rin ang best friend kong si Xian. Sa halip na si Jonas ang tawagin ko at unang lapitan ay si Xian ang nilapitan ko. Nararamdaman kong nakatitig sa akin si Jonas.

Poor boy.

"May assignment ka na ba?" tanong ko kay Xian.

"Meron na. Ikaw?"

"Wala pa nga, eh. Pakopya naman. Five items lang naman 'yon, 'di ba?"

Tumango si Xian at inginuso si Jonas. Nagtaas ako ng kilay. Sinabi kong hayaan niya. Ngumisi lang si Xian.

Kababata ko si Xian. Elementarya pa lang ay kami na ang magkaklase. Si Jonas, sa pagkakaalam ko ay abroad ang parehong magulang. Kaya siguro lumaking malaki ang bilib sa sarili. Na kahit na anong gustuhin ay dapat matikman at hawakan at makamit.

"Tara na," yaya ko kay Xian. Naramdaman kong sumunod na sa amin si Jonas. Nilingon ko siya, nginitian ko. Masyado naman kasi yata akong harsh kung hindi ko man lang siyang ngingitian. Baka awayin na naman niya ako mamaya. Nagse-selos din kasi si Jonas kay Xian. Kami kasi ni Xian ang palaging magkasamang umuwi, pero minsan lang kapag papuntang school.

Mabibilis ang mga hakbang ni Xian. "Hoy!" tawag ko sa kanya.

"Sandali..." sabi niya.

Ang siste, kami na ni Jonas ang magkapanabay sa paglalakad patungong classroom. "Kumusta ang tulog mo?" tanong niya. "Ba't 'di mo sinagot ang tawag ko kanina?"

WAIT FOR THE BOY by Rill MendozaWhere stories live. Discover now