CHAPTER THREE

6 2 2
                                    


CHAPTER THREE

NAGLALAKAD ako papuntang park ngayon. Hinihintay ako ng boyfriend ko doon. Magdi-date raw kami. Nang makita ko si Jonas, kinawayan niya ako. Gumanti rin ako ng kaway sa kanya at ngiti.

"Ang bilis-bilis mo, ah."

"Sabi mo, eh," sagot ko.

Ngiti lang ang sinagot niya sa 'kin. "Halika, bili tayo ng fishball."

"Sige..."

Nang makarating kami sa may nagtitinda ng fishball ay bumili na nga si Jonas. Pagbalik namin sa bench ay kumain na kami. "Maganda pala dito sa park n'yo," sabi niya. Saka niya inilibot ang mga mata niya sa paligid.

"Bakit sa inyo?" natatawa kong tanong.

"—Walang ilaw. He-he!"

"Kaya pala. Ilaw 'yong nagpapaganda sa park, eh."

"Oo. Mukhang mapapadalas ako dito, ah."

"Baka magsawa ka. Kasi kami ni Xian, sawa na ditto," pag-amin ko.

"Malabong mangyari 'yon."

"Bakit naman?" tanong ko. "Ay!" Nang sumubo ako ay aksidenteng 'di ko nai-shoot ang fishball sa bibig ko, nakatingin kasi ako kay Jonas. Nalagyan tuloy ng sauce ang ilong ko.

Tawa siya nang tawa. "'Di naman kasi ako magsasawa sa 'yo," sagot niya. "Ako na magtatanggal," suhestiyon niya.

Ayoko sana kaso naunahan na niya ako. Parang 'di ako makahinga na ewan. Hahawakan niya lang naman ang ilong ko at tatanggalin ang sauce.

Nang mapunasan niya ay nakahinga ako nang maluwag. Napahawak siya sa sintido niya. Pagkatapos ay nginitian niya ako.

"O, bakit?" tanong ko.

"Wala 'to. Halika, doon tayo. Madilim na dito, eh. 'Di ko nakikita ang ganda mo," biro pa niya.

"Hmp," sagot ko.

"'Di ka naniniwala?" May ngiti sa labi niya. Mas lalong nagpa-cute sa kanya.

Umiling ako. "Kasi 'di naman ako maganda."

"Maganda ka. Maniwala ka. Nagpa-humble ka pa diyan." Humarap siya sa sa akin. "You're beautiful in my eyes..." pagkanta niya.

Hindi sa maganda ang singing voice niya, pero, iba ang dating sa tainga ko. Hindi ko alam kung mahal ko lang ba siya kaya ganoon. Ewan! "'Di ako nagpapa-humble, 'no? Talagang 'di naman talaga ako maganda. Ewan ko nga sa 'yo kung bakit mo 'ko nagustuhan, eh."

"Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Halika na nga. Do'n na tayo." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila na niya ako papunta do'n sa maliwanag na parte ng park. Maraming tao dito sa park. May mga naglalaro. Nagkukuwentuhan na magkakabarkada at kung sino-sino pa.

Sa totoo lang, nagpupunta lang ako dito kapag gusto kong maglaro ng tennis. Malawak kasi ang park. May basketball court at sa katabi ay may tennis court. Ngayon, nandito ako dahil sa isang tao. At masaya ako habang kasama ko siya, kahit 'di naman ako naglalaro.

Naupo na kami. "Let?" ani Jonas.

"Oh?"

"Masaya ka bang kasama ako?" Sumeryoso ang boses nito at ekspresyon ng mukha.

"O-oo naman. Bakit?"

Nagkibit-balikat siya. Saka ngumiti nang napakatamis, nakaka-diabetes yata. Gusto kong pisilin ang pisngi niya dahil ang cute niya.

"Ikaw ang first boyfriend ko..." pag-amin ko.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig sa akin. "Totoo?"

"Oo."

WAIT FOR THE BOY by Rill MendozaWhere stories live. Discover now