CHAPTER TWO

5 2 1
                                    


CHAPTER TWO

NAKAKA-GUILTY na talaga. Ayoko na! Hindi deserved ni Jonas ang taong tulad ko. Napaka-unfair ko. Gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya, pero naisip ko ring mas masasaktan siya kapag ginawa ko 'yon. Mas mabuting hayaan ko na lamang muna ngayon ang sitwasyon na ganito.

Kanina pa ako nandito sa gate ng school namin, hinihintay ko si Xian. Nagpapahintay kasi siya sa akin. Nang makita ko si Jonas ay para akong naistatwa. Gusto kong magtago, ngumiti nang malapad, o kaya maglakad na lang papuntang classroom. Ewan, 'di ko na alam ang gagawin ko.

Ngumiti sa akin si Jonas nang ilang metro na lang ang layo namin sa isa't isa. Gumanti na rin ako. "Good morning," bati niya sa akin nang makalapit siya.

"G-good morning din..." sagot ko.

Nagtaas siya ng kilay. Ang cute niya kapag ginagawa niya iyon. "Halika na? Sino ang hinihintay mo?"

Bumuga ako ng hangin. "S-si... Ah, wala..." nasabi ko. Baka magselos pa siya kapag sinabi kong si Xian ang hinihintay ko na dapat ay siya—dahil siya naman talaga ang boyfriend ko. "Halika na..."

Nagulat ako nang kunin niya sa akin ang dalawang librong hawak ko. Maliit lang kasi ang bag ko kaya tuwing pumapasok ako ay bitbit ko ito. Gusto ko sanang magprotesta pero, nakuha na niya ang mga iyon.

"Ba't ang bagal mo maglakad? May problema ba?" tanong pa sa akin ni Jonas sa pagkabalisa ko.

"W-wala naman." Ngumiti ako nang alanganin. Bakit ngayon ko lang napansin ang mga magagandang katangian ni Jonas? Bakit puro kalokohan niya lang ang mga nakikita ko noon? Bakit ngayon ay parang biglang nag-iba? Parang nag-iba ang ihip ng hangin. Nai-in love na ba ako sa kanya?

Siguro.

Marahil.

Hindi ako sigurado.

Binilisan ko na ang mga hakbang ko. Pagdating ko ng classroom mamaya ay iti-text ko na lang si Xian na hindi ko na siya nahintay dahil ang tagal niya.

"Parang may problema ka?" Sinalat niya ang noo ko. "Wala ka namang sakit."

"Ano ka ba? Nandito tayo sa hallway..." sabi ko.

"Sorry... Nakalimutan ko."

Matagal bago ako nakapagsalita. Mali ang maging harsh ako kay Jonas. Mali ang mga ugaling pinakita ko sa kanya nitong mga nakalipas na buwan at taon. Bakit ngayon ko lang kasi nakita ang lahat ng ito? Bakit ngayon lang?

—Dahil siguro kay Xian.

Pero, ano na ba ang estado ni Xian sa puso ko? Oo, mahal ko siya... crush ko siya... pero siya? Mahal ba niya 'ko? Hindi ko alam. Hindi ko alam ang sagot sa sarili kong tanong.

Siguro, si Jonas nga ang para sa akin. Siguro, 'di ko naman talaga mahal si Xian. Mahal ko siya bilang kaibigan. Ngayon, dahil sa nangyari kahapon... naging hesitant na ang puso ko para sa kanya.

"Pumunta kaya muna tayo sa clinic?" suhestiyon niya.

"Bakit? Wala naman akong sakit, ah."

"Hmn. Eh, pa'no kung meron na 'yan mamaya? Eh, matamlay ka ngayon. Baka bumaba ang dugo mo, ano?"

"Ang OA mo naman," sabi ko, natatawa na lang.

Titig na titig siya sa 'kin. "Concern lang ako. Para ano pa't naging boyfriend mo ako kung wala man lang akong pakialam sa 'yo?"

Bumuka ang bibig ko, pero ni isang salita ay walang lumabas.

"O, ano, pupunta ba tayo ng clinic? Parang may sinat ka, eh."

WAIT FOR THE BOY by Rill MendozaWhere stories live. Discover now