CHAPTER NINE

6 2 0
                                    

CHAPTER NINE

"BAKIT parang hindi ko na napapansin na pumupunta dito si Xian?"

Nagkibit-balikat ako bilang sagot kay Mama. Ayokong sumagot nang may boses. Para kasing hindi ko kayang sumagot ng totoo. Ang totoo, hindi ko rin alam ang totoong dahilan. Pero ang naiisip ko, baka dahil doon sa sinabi niya sa akin sa kuwarto bago pumasok si Mama. Iyon lang naman iyon. Nag-iisip ako ng ibang dahilan, ng ibang mabigat na dahilan. Kasi siguro, ayokong may magbago sa pagtrato namin sa isa't isa.

Mahigit isang linggo nang hindi ko siya nakakasabay pumasok ng eskuwelahan. Nakikita ko siya sa school, sa klase, pero hindi kami nagkakausap. Parang umiiwas siya. Sa tuwing nagtatangka akong kausapin siya, parang lagi siyang busy, may ginagawa o nagmamadali. Nakaka-miss, sa totoo lang.

"Hindi mo ba nakikita sa eskuwelahan?" tanong pa ni Mama.

Lumunok ako. Hinarap ko si Mama. "N-nakikita naman po. N-nag-uusap naman k-kami."

Hindi na sumagot si Mama. Simpleng "Ah" lang ang tugon niya. Ayokong magsinungaling. "Mamamalengke muna ako. 'Wag mong iwang nakabukas ang bahay."

"Opo."

Umalis na si Mama. Ni-lock niya ang pinto. Nasa sala ako. Sabado ngayon kaya walang klase. Pinatay ko na rin ang TV. Saka ako pumasok sa kuwarto. Kinuha ko ang cell phone ko. Nag-browse ako ng mga picture ni Jonas sa Gallery.

Nakakatatlong picture pa lang ako, pero naramdaman ko nang basa na ang pisngi ko. Para akong ewan. Bigla-bigla na lang ay naging iyakin ako. Hindi naman ako ganito dati.

Pinatay ko na lang ang cell phone ko. Saka initsa iyon sa kama. Saka ako humiga, tumitig sa kisame at nakipagtitigan sa mga nakabaong pako at dalawang butiking nagkikiskisan ng labi.

Naisip ko, ang kisame nga yata ang happy place ng mga butiki; sanga ang happy place ng mga ibon; mas lalo na ang mga isda sa dagat; at happy place naman ng poop ang inidoro. Pero ako, isa lang ang magiging happy place ko, sa piling ni Jonas. Kaso, wala na nga siya, wala na akong matatawag na happy place.

It's like everything 'in placed' before is in sad mode. Everything is not making any sense. Parang lahat may butas, lahat may mali at konektado ang bawat dots sa pagkawala ni Jonas. Everything! Because Jonas is everything. And that everything is now gone...

Umupo ako at tumunganga sa harap ng bintana. Kung saan nakita ko ang isang ibon. It's like it's happy while eating on its nest. Happy? Why do birds are happy? Why it's like everyone is happy?

Parang tanga. Parang nakikipaglaro lang ang lahat. Na sana kapag may malungkot na isa, damay-damay na. Oh, my thought is not making any sense!

Tinuyo ko ang pisngi ko. At saka ko nakita si Xian. He was stunned. And so was I. Nakalimutan kong katapat lang pala ng kuwarto ang pinto nila. May hawak siyang bola, at nakasapatos.

"Umiiyak ka na naman," sabi niya. Hindi iyon tanong, kundi statement.

"Alam ko..." sagot ko. Pinahid ko ang mga luha ko. Sinimangutan ko siya. "M-magba-basketball ka?"

"Bakit?"

"Puwede bang sagutin mo na lang ang tanong ko?"

Nagkibit-balikat siya. "Eh, sa ayaw ko. Anong problema do'n."

Umiling ako. "Ano ang nangyari sa 'yo?" Napaka-risky ng tanong ko. Parang nakatulay sa alambre. Hindi ko alam kung ikakalaglag ko o ipagpapatuloy ko. Hindi ko nga lang makuhang magbalanse muna.

Nagkibit-balikat siya saka nag-dribble. Parang wala lang sa kanya. Huminto siya. Tumitig sa akin. "Siguro kasi kailangan ko lang makalimot ngayon. Kailangan ko ng refreshment."

WAIT FOR THE BOY by Rill MendozaWhere stories live. Discover now