CHAPTER SIX

5 2 0
                                    


CHAPTER SIX

JONAS'

"HINDI BA dapat kasama mo ako habang nakikipaglaban ka sa sakit mo?" umiiyak na sabi sa akin ni Letlet.

Umiling ako. "Noong sinabi ko sa 'yong mahal kita, pinangako ko sa sarili kong hindi kita sasaktan."

"Sa tingin mo ba, hindi ako nasasaktan ngayon sa pinagsasabi at pinaggagagawa mo?"

Pumikit ako nang mariin. Sumasakit na naman ang ulo ko. "Leave now," sabi ko, saka dahan-sahan akong nagmulat ng mga mata.

"Ngayon pa? Ngayon pang kailangan mo 'ko?"

"Hindi kita kailangan!" sigaw ko. Sa huli ay pinagsisihin ko ang pagsigaw ko. Naglakad ako papunta sa hospital bed. Saka umupo. "S-sorry..."

Hindi siya sumagot. "Magpagaling ka..." sa halip na sabi niya sa akin.

"Hindi na ako gagaling."

"Ano ka ba? Maniwala ka. Tulad nang pagpaniwala mo noon sa sarili mo... na... na magiging tayo. Ngayon ka pa ba susuko? 'Andito kami ng parents mo. Mahal ka namin. Ayaw ka naming mawala. Hindi pa ba sapat ang mga rason na 'to para lumaban ka?"

"Ayokong paniwalain ang sarili ko na gagaling pa ako dahil hindi iyon ang totoo. I'm dying, and no one can stop it. Even my parents, even God, even you—"

"Paano kami? Paano kaming naniniwala sa 'yo?" Naghumulagpos na ang emosyon niya.

"Kaya nandiyan si Xian para sa 'yo."

"Huwag mo na akong ibigay sa iba. Dahil sa 'yo lang ako. Tama na, Jonas... Ayoko na. Please? Ayoko na..." Nilapitan niya ako at niyakap nang mahigpit. "Mahal na mahal kita. Ayokong mawala ka. Dahil hindi ko kaya."

Gumanti na ako ng yakap. Ayoko na rin naman siyang nakikitang nahihirapan ng ganito. Siguro--kahit masakit--susulitin ko na lang ang mga araw na kasama ko siya. Kahit sandali, ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Bahala na kung ano ang mangyari. Bahala na talaga. Hirap na hirap na akong makita siyang umiiyak dahil sa akin. Akala ko, madali lang, hindi pala.

Nang kumalas ako sa kanya ay nagtitigan kami. Napakaganda niya. Hindi bagay sa kanya ang umiiyak. Meron siyang mukhang dapat na pinapaligaya lang. Ginagawang prinsesa at katangi-tangi siya. At iyon ang ipaparanas ko sa kanya.

Kinabukasan ay lumabas ako ng ospital dahil na rin sa pamimilit ko kay Mama. Hindi na rin naman sumasakit ang ulo ko ng madalas. Sa tingin ko, okay na ako.

Nadatnan ko sa bahay si Letlet. Nakangiti niya akong sinalubong. "Welcome home," sabi niya. Kasabay nang pagyakap sa akin.

"Para namang ilang buwan akong nasa ospital," biro ko.

"Kahit na. Na-ospital ka pa rin." Ipinadala ko ang bag ko sa katulong patungo sa kuwarto ko. Umupo na kami ni Letlet sa sofa.

"Fiesta sa amin bukas," nakangiti niyang sabi.

"Bukas na? Ang bilis naman," natatawang sagot ko.

"Anong mabilis?" Tumawa rin siya. "Okay ka na kay Mama . Kinumusta ka nga niya sa akin, eh."

Ngumiti ako ng malapad. Dahil nakikita ko rin sa kanya ang saya sa mga mata niya. "Lumabas muna tayo? Doon tayo sa garden? Gusto kong magpahangin."

"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa 'yo? Okay ba do'n?"

Nararamdaman ko ang concern niya sa akin. Humiling ako noon na ibigay siya sa akin, at sapat na iyon. Pero itong mga ipinaparamdam niya sa akin ay sobra na. Karapat-dapat ba ako sa kaligayahang ito?

WAIT FOR THE BOY by Rill MendozaOnde histórias criam vida. Descubra agora