CHAPTER FOUR

5 1 5
                                    


CHAPTER FOUR

"MAMA..."

"'Buti't gising ka na. Magsi-simba ka pa?" Iyon ang bungad sa akin ni Mama.

Umupo na ako at tumitig lang sa prinitong itlog at hotdog na nasa mesa. Laman pa rin ng isip ko ang tungkol sa nangyari kagabi. Nang pinagalitan ako ni Mama.

"Nasa harap ka ng grasya." Wala pa rin akong kibo. "Violeta? Ano ba? Umayos ka. Ang aga-aga, ah!"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Bumagsak na iyon nang tuluy-tuloy. "Mama."

"Umalis ka diyan sa harap ng mesa!" Hindi pa rin ako tumayo. "Letlet, ba't ba nagkakaganyan ka? Ano ba ang nangyayari sa 'yo? High school ka pa lang. Ang babata n'yo pa para sa ganyang relasyon. Ano ang alam n'yo sa pagmamahal?"

"Pero, Mama..."

"Walang pero-pero. Hiwalayan mo ang lalaking 'yan."

Tumayo ako at tumakbo papunta sa kuwarto. Iyak pa rin ako nang iyak. Ayokong maghiwalay kami ni Jonas. Mahal na mahal ko siya.

Ilang oras na yata akong nasa kuwarto nang kumatok si Mama. "Letlet, lumabas ka na diyan. Magsisimba tayo."

"Masakit ang katawan ko, 'Ma." Pagkatapos kong sabihin iyon ay narinig ko na ang papalayong mga yabag ni Mama papalayo.

Hanggang nang umabot ng Lunes ay hindi na ako kinakausap ni Mama. Nang nasa school na ako ay siyempre nagkita pa rin kami ni Jonas. May pasa siya. "Ano ang nangyari sa 'yo?" Hinaplos ko iyon. Umaray siya. "Ano nga 'yan?"

"Wala 'to. Teka, bakit ang laki yata ng eyebags mo? Umiyak ka ba?"

Umiwas ako. "W-wala. Ba't naman ako iiyak?"

"Umiyak ka," deklara niya, may pinalisasyon sa sinabi.

"Kapag may eyebags, umiyak na? Hindi ba puwedeng puyat lang?" Tumawa ako para mapanindigan ang pagsisinungaling ko.

"Kilala kita. Kilala na kita. Kahit ilang buwan pa lang tayong nagkakasama, kilala na kita. Hindi bagay sa 'yo ang magsinungaling. Ano nga? 'Wag kang mahiyang sabihin sa akin 'yon."

Lumunok ako ulit. Paano ko ba sasabihin 'to sa kanya nang hindi siya masasaktan?

Siniko niya ako. "Uy..."

"A-ano?" kunwari ay 'di ko alam ang gusto niyang mangyari.

"Sabihin mo na. Ba't ka umiyak? Pinagalitan ka ba? May umaway ba sa 'yo? Si Xian ba?"

Umiling ako. Dapat ko na talagang sabihin ito sa kanya. Dahil unfair ito para sa kanya. "G-gusto ni Mama na maghiwalay na tayo..." Nakita ko ang paglunok niya. "Ayoko. Ayoko Jonas. 'Di ba ayaw mo rin?" Pagkatapos ay niyakap ko siya nang mahigpit. "Ayoko, Jonas." Halos naririnig ko ang pintig ng puso niya. Gumanti rin siya nang yakap sa akin, pero napakasandali lang niyon. Lumuwag ang yakap niya sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat at pinakalas niya ako sa katawan niya.

Umiling siya. Nangunot-noo ako. "B-bakit?"

Huminga siya ng malalim. Pinakatitigan niya 'ko. May namumuong luha sa mga iyon. Bumuga siya ng hangin. Saka tumingin sa malayo. "T-tama siguro ang Mama mo."

"H-ha?"

"M-mga bata pa tayo."

"Ano? Ano ang sinasabi mo?"

"Narinig mo 'ko, 'di ba?"

Umiling ako. "Ano ba ang sinasabi mo? 'Wag ka ngang magbibiro nang ganyan." Tumulo na ang mga luha ko. Pinahid ko ang mga iyon. "Kaya ako umiyak, ayaw kasi ni Mama na mag-boyfriend na agad ako. Tayo... H-halika na nga. Punta tayo sa canteen Nagugutom ako, eh."

WAIT FOR THE BOY by Rill MendozaWhere stories live. Discover now