CHAPTER 3

41 2 0
                                    

Haeven's POV

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa library dahil tapos na kami mag lunch. Kahapon naman nung nag usap kami ni Ian ay umuwi na din kami pero tanong sya ng tanong kung bakit sa shortcut ako dumaan at pinaliwanag ko naman sakanya ang dahilan .

Pag kahapon ng uwian ay shortcut ulit ako dumaan. sabado na bukas kaya excited ako haha.

"Hayssss kapagod." sabi ko pagdating ko sa bahay.

"Mag merienda kana Haeven." dinig kong sabi ni Mama.

"Lagi nalang may practice sila kuya sa basketball hindi tuloy kami nagkakasabay-sabay umuwi." mahinang sabi ko.

"Oo kasi malapit na ang intrams diba?" tanong ni Mama.

"Opo." sagot ko.

Kinabukasan nagising ako ay medyo tanghali na pero sabado naman kaya no problem.

Naglinis ako ng bahay at wala ngayon sila kuya dahil may practice nanaman sa school kahit sabado. Si Mama naman ay nag grocery.

Nakatayo ako ngayon sa may gate ng bahay namin habang nag seselpon ng napalingon ako sa kalsada at laking gulat ko ng andun si Thyme nakaupo sa motor nya at nakatingin sakin! Pero bigla syang umiwas ng tingin nung lumingon ako. Tumalikod ako dahil sa hiya... Bakit kasi nandyan sya? Haysssss ang weird talaga ni Thyme.

Pumasok nalang ako sa loob ng bahay namin at inabala ko ang sarili sa ibang gawain.

Nanonood ako ng TV ng biglang dumating sila kuya Serven at kasama mga barkada nya.

"Hi Haeven!" sigaw ni Kuya Paul isa sa kaibigan ni Kuya Serven.

"Hello kuya Paul." sagot ko.

"Kuya pa nga." sagot nya na ikinatawa ko.

Nag aasaran silang magkakaibigan at pumunta naman si Kuya Serven sa kusina para gumawa ng merienda nila.

Maya-maya umuwi na din ang mga kaibigan ni Kuya Serven at dumating na rin si Mama. Ako ang nag luto ng hapunan dahil alam kong pagod sila mama at kuya.

Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan nila kuya ay umakyat na din ako sa taas para matulog .

Kinabukasan wala akong ginawa kundi mag drawing dahil ilalaban daw ako next month sa painting.

Pag kahapon naman ngayong araw ng linggo ay ako ay magsisimba.. kaya nag asikaso na ako para maligo at nagbihis ako ng white T-shirt na NASA ang tatak at palda na maong na hindi abot tuhod at need ko pa pala mag sinturon haysss feeling ko lalo akong pumapayat.

Naglakad ako papuntang simbahan dahil malapit lang naman dito ang simbahan.

Mga alas 5pm natapos ang misa at ako ngayo'y nag lalakad na pauwi at umuulan pa talaga haysss....

Madaan na ako sa may tapat ng bahay nila E-vhan ng biglang lumabas sa gate si Thyme at ang bilis ng iwas tingin nya nung nagkatinginan kami. Ako naman ay dire-diretsong naglakad dahil malapit naman na ako sa bahay.

Ano bang problema sakin nun ni Thyme.. bat ganun sya lagi hays

Pagdating ko sa bahay andun ang dalawa kong kuya at nagkekwentuhan sila.

Unexpected Feelings Where stories live. Discover now