CHAPTER 16

28 2 0
                                    

Haeven's POV

It's Wednesday morning.. nagising ako dahil naririnig ko na parang sinesermonan ni Mama sila kuya.

5 am pa lang pero sinesermonan na sila kuya. Ano kayang nangyari?

Kahapon naman pagkagaling ko sa school halos manghina ako nung tumawag sa cellphone ko si Kuya Der.. binalita nya kasi na inatake raw ng stroke si lolo.

Nagpasya ako na bumaba na sa 1st floor nang narinig ko nanaman na sinigawan ni Mama sila kuya.

"Napakasinungaling nyo!"rinig kong sigaw ni Mama habang pababa ako sa hagdan.

"Ma, hindi po naman talaga namin ninakaw.. alam mong hindi namin magagawa yun"sagot ni Kuya Serven.

Ninakaw? Ano kayang pinagtataluhan nila?

Nang malapit na ako sa kusina kung saan sila nagtatalo ay napalingon sa akin sila kuya at si mama.

Salubong ang kilay ni Mama habang nakatingin sakin.
"Oh baka naman ikaw ang nagnakaw haeven!"sigaw sakin ni Mama.

"Nang a-alin po?"nauutal na tanong ko.

"Anong nang alin? Kunwari ka pang walang alam!"sigaw nanaman nya.

Ano bang nangyayari bakit galit na galit si Mama.

"Ma,wag mo naman idamay si Haeven dito.. hindi sya magnanakaw"sabi ni Kuya Serven kay Mama habang hinahawakan ito sa kamay pero tinatabig lang ni Mama ang kamay ni kuya.

"A-ano po bang nangyayari? Ano po bang sinasabi nyo na ninakaw ko-"bago ko po matapos ang sasabihin ko ay nasigawan nanaman ako ni Mama.

"Yung 6k ko nawawala haeven! Pero walang umaamin sainyong tatlo kung sinong kumuha!"galit na sigaw ni Mama.

"Ma, hindi po ako kumuha non and for sure naman po na hindi rin sila kuya at kumuha ng 6k mo"sabi ko at nagulat na lang ako bigla akong sampalin ni Mama.

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sakit nung sampal.

"Ma!"sigaw ni kuya rayven sabay lapit kay Mama pagkatapos akong masampal.

Lumapit naman sakin si kuya serven para ilayo ang distanya ko kay mama.

"Napakasinungaling nyo! Kayong tatlo lang naman ang naiiwan dito sa bahay kaya sino pang ibang kukuha nung 6k?! Nagtatrabaho ako para kumita.. nagtatrabaho ako para sa inyong tatlo.. pero ganto lang ang igaganti nyo?! kaya please naman aminin nyo na kung sino man sainyo ang kumuha!"

"Ma, wala po talaga sa aming tatlo ang kumuha ng 6k mo.. alam mo po na hindi namin kayang gawin yun.. pinalaki mo po kami ng maayos diba?kaya alam mo po na hindi kami magnanakaw.."sabi ni Kuya Rayven.

"Ang dami-dami mong sinasabi Rayven! Bakit hindi nyo na lang aminin ang totoo?!"

"Ma.. wala naman po kaming aaminin dahil hindi po talaga kami ang nagnakaw nung pera.."halos magkaawang sabi ni Kuya Serven.

"Kung walang aamin sainyo aalis na lang ako"sabi ni Mama na ikinagulat namin nila kuya.

"W-what do you mean ma?"tanong ni kuya rayven.

"Aalis na lang muna ako dito! babalik na lang ako kapag umamin na kayo kung sino ang kumuha nung pera na nawawala! Nagpapakahirap ako mag trabaho lalo na nung iniwan tayo ng papa nyo.. tapos ganito lang? Alam nyo yung 6k na yun? pambili yon para may makain tayo!panggastos din dito sa bahay! pambayad din yung iba don para sa mga bayaran sa school nyo! kaya kung walang aamin bahala na muna kayo dito sa bahay"sabi ni Mama sabay akyat papunta sa kwarto nya.

Unexpected Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon