CHAPTER 37

26 1 0
                                    

Haeven's POV

Lumipas ang buwan at ilang linggo na lang ay nalalapit na ang cheerdance competition sa manila.

"Bi, tulungan mo daw si Reidan mag review"saad sakin ni Vince.

Bi talaga ang tawag nya sakin kasi ganun din yung tawag sakin ng mama nya kaya ginaya nya na lang daw.

"Kaya nya na yun, Vince. Malaki na sya"pagbibiro ko kaya natawa.

"Backstabber ka man"napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Reidan.

Hugalpak naman sa tawa si Vince dahil sa sinabi ni Reidan sakin.

"Ikaw nga, plastic"pagsasakay ko sa biro nya.

Nagbibiruan kami dito sa sala ng biglang sumulpot si Tita Tin.

"Haeven, may naghahanap sayo"ani Tita.

"Sino po?"tanong ko.

Bago pa makasagot sakin si Tita ay bigla ko na lang nakitang pumasok si kuya serven sa pinto.

Namilog ang mata ko ng makita sya.

"Ano na ven? Bat parang gulat na gulat ka?"tawang tawa nyang tanong.

"Eh ikaw kase kuya, hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka dito!"sabi ko sabay yakap kay kuya.

"Surprise nga eh pero uuwi din naman ako sa manila bukas"aniya. Tumango ako.

Kinalas ko ang yakap sa kanya at hinampas sya sa braso.

Tumawa nanaman si kuya at tumabi sya sa kinauupuan ko at bumaling sya kay Reidan at Vince.

"Hindi naman ba nagpapasaway ang kapatid ko dito, Reidan at Vince?"nakakaloko nyang tanong sa dalwa.

"Ano kana kuya, anong palagay mo sakin bata?"sabi ko.

"Nako pasaway yan kuya serven"ani Reidan kaya sinamaan ko ng tingin.

"Kuha lang ako ng merienda"sabi ko at iniwan ang tatlo sa sala.

Pagbalik ko ay sige pa rin ang kwentuhan nilang tatlo.

"Ano, may lovelife na ba tong kapatid ko dito sa Cebu?"tanong nanaman ni kuya serven dun sa dalwa.

"Dami"pagbibiro ni Vince.

"Suntukin kita dyan, Vince"pagbibiro ko din habang nilalagay sa table ang snack.

"Wala namang manliligaw?"sabi nanaman ni kuya.

"Marami nagkakagusto dyan pero wala syang pinapayagan manligaw"ani Reidan.

"Study first kaya ako"sabi ko sabay tawa.

"Ang sabihin mo, wala ka lang nagugustuhan sa mga gustong manligaw sayo dito!!"ani Reidan.

"Hmm.. kung ako ang manliligaw sayo bi, papayag ka ba?"biglang tanong ni Vince sakin habang seryosong nakatingin.

"H-huh? Wag ka nga dyan mag joke vince!!"tumawa ako para mawala ang kaba sa dibdib ko.

Ngumiti si Vince."Hindi naman ako nagjojoke, bi"aniya na ikinalaglag ng panga ko.

Sa totoo lang matagal ko ng napapansin ang pagpaparamdam nyan sakin ni Vince pero kasi wala na talaga akong feelings sa kanya tulad nung crush ko pa sya dati.

Unexpected Feelings Where stories live. Discover now