CHAPTER 29

25 2 0
                                    

Haeven's POV

Isang buwan na ang nakalipas simula nang maging kami ni Thyme. Wala namang nagbago. Ganun pa rin. Sweet pa din sya sakin.

March na ngayon at sa next month na ang moving up naming mga Grade 10 at 12. Actually 2 weeks na lang nga e.

Habang nakaupo kami nila Thyme sa bench ng gymnasium ay napansin ko ang mga babaeng nagtitilian habang tinititigan si Thyme.

Sabagay sobrang attractive ba naman kasi ni Thyme kaya di ko sya masisisi kung bakit maraming tumititig at nagkakagusto sa kanya. Kaya napapaisip din ako minsan kung bakit sya nagkagusto sakin. Samantalang ang dami namang babae na mas maganda sakin na nagkakagusto sa kanya eh.

"Are you okay, baby?"bulong ni Thyme na nasa tabi ko. Sinusuri nya ang mata ko.

Tumango ako at ngumiti."May klase ka pa right?"I asked. May klase pa kasi sila then kami naman nina Ian ay vacant ngayon.

"Yes, baby"aniya at niyaya na sila Alfie na bumalik sa classroom nila.

Pagkaalis nila ay bumaling ulit ako sa mga naglalaro ng basketball at hindi na lang ulit nilingon ang mga babae pero maya maya ay napansin ko na lang na nasa harapan na namin yung mga babaeng kanina pa nagtitilian.

"Ang pogi pogi ni Thyme!! Nakakakilig lalo na nung nagkatinginan kami kanina!"sabi nung isang babae na halos mangisay na sa kilig.

Napalunok ako. Nagkatinginan? Iniisip ko pa lang na nakatingin si Thyme sa ibang babae dahil gusto nya ito ay bumibigat na ang pakiramdam ko.

"Ehemm.."ani Reign habang lumalapit dun sa grupo ng mga babae."Excuse me lang girls ah? Kanina pa kasi kayo nagkekwentuhan about kay Thyme e. Mahiya naman kayo sa girlfriend ni Thyme, pwede? Andito lang yung girlfriend nya oh!"ani Reign sa mga babae sabay turo sakin.

Umirap yung isang babae kay Reign.

"ABA TALAGANG!!"nanggigigil na saad ni Reign dun sa babae at halos sapakin nya na kaya agad akong tumayo at inawat si Reign.

Tinignan ako nung supladang babae."Sana ako na lang yung naging girlfriend ni Thyme"aniya kaya nabigla ako.

"EDE MANGARAP KA!!"sigaw sa kanya ni Reign.

Pairap na umalis yung babae at yung ibang kasama naman nito ay ngumiti sakin at humingi ng sorry.

"Nakakainis yung mga babaeng yun! Lalo na yung isa!! Hindi na nahiya sayo!"sabi ni Reign sakin pagkaalis nung mga babae.

"Bakit ba naman kasi sobrang attractive ng boyfriend mo?"pang aasar sakin ni Haenny.

Natawa na lang ako at umupo ulit.

"Malapit na moving up natin ah? Sino kaya ang valedictorian ng school year na to?"ani Ian.

"Ewan lang. Maraming matatalino sa grade 10 pero ang magiging valedictorian ay kung sino ang pinakamataas na average sa lahat ng grade 10 diba"ani Jashel kaya napatango kami.

"Don't worry guys, malalaman din natin sa meeting bukas kung sino ang valedictorian sa mga grade 10 this school year"ani Haenny.

Ay oo nga pala..may meeting nga pala kami bukas ng hapon. Meeting ng mga parents ng mga grade 10 pero dapat aattend din kami. Kaso nga lang hindi makakaattend si Mama or si Kuya kaya ako na lang talaga.

"Tama... tama"sang ayon ni Jaira sa sinabi ni Haenny.

Lumipas ang buong araw na wala kaming masyadong ginawa sa school dahil nga tapos naman na kami mag exam sa 4th grading. Next na lang naming aasikasuhin ay yung meeting, orientation, recollection saka pag practice ng graduation.

Unexpected Feelings Where stories live. Discover now