CHAPTER 48

55 3 0
                                    

Haeven's POV

2 weeks na ang nakalipas at may improvement naman ang paggaling ng left arm ko. Gagala nga ako ngayun e. Niyaya kase ako nung mga classmate ko nung grade 10 na sina Andrei, Clyde and Kian, yung mga laging nang aasar sakin dati. Ngayun lang daw nila kasi nalaman na umuwi ako kaya gusto daw nila ako makabonding.

Nag vibrate ang phone ko at nakita kong may chat si Reign sa group chat namin.

Reign: Haevennnnnn

Ako: What?

Reign: Sure ka talaga na makikipagkita ka kila Clyde? Crush ka pa naman nun dati HAHAAHAHAHAHAHAHA

Ako: anuman, past is past naman e HAHAHA

Haenny: Sama akooooo

Ako: Tara tara.. sa SM daw magkikita

Haenny reacted ❤ to your message.

Pagkatapos ko mag asikaso ay napansin kong titig na titig sakin si kuya rayven.

"Paratingin-tingin dyan"pagbibiro ko kay kuya.

"Sigurado kang kaya mo na?? Wag ka na muna kaya gumala? Sabihin mo kina Andrei, next time na lang"ani kuya.

"Kung kailan nakabihis na ako?"natatawa kong sabi."Saka kaya ko naman kuya"

"Sige pero ihatid daw kita sabi ni Mama pero kung ayaw mo ba–"

"Oo kuya"pagtapos ko sa sinasabi nya.

At ayun na nga hinatid ako ni rayven sa SM. Pagkadating ko don ay andun na yung tatlong boys. But wala pa si Haenny.

"Hi vennn!! Long time no see"bati agad sakin ni Andrei at nakipag beso sya ganun na din si Kian. Pinansin din nila si kuya then pagkatapos ng batian nila ay umalis na din si kuya.

Si Clyde naman hindi ako pa ako pinapansin, nakatingin lang sya.

"Clyde anu na?? Di mo ba namiss si Haeven?"saad ni Kian.

"Natulala lang ako. Ang ganda kase ni Haeven"ani nya saka ako pinansin at niyakap pa.

"Yan tayo ehhh"sabay na sabi ni Kian at Andrei.

Maya-maya ay nagkayayaan muna kami na kumain sa restaurant. Dumating na rin naman kase si Haenny.

"Kamusta ka naman sa Cebu ven?" Kian asked habang kumakain na kami.

"Okay lang. Marami naman ako naging friends dun. Kayo ba kamusta kayo dito?"saad ko naman.

"Okay lang din.. namiss ka namin"sabi pa ni Kian.

"Kamusta naman lovelife nyo??"nakangiti kong tanong sa kanila.

"May girlfriend na yan si Kian at Andrei"sagot sakin ni Haenny. Inaasar yung dalawa.

"Wow naks naman! How about si Clyde?? Balita ko may gf na rin yan ehh"saad ko habang mapang asar na nakatingin kay Clyde.

"Wala no!"pag deny nya.

"Panggap yan, meron naman"sabi ko pa.

"May gf na talaga yan ven kaso kakabreak lang nila"ani Andrei.

"Huh?! Bakit naman?"

"Mahal pa nya ex nya eh kaya ayun.."sagot ni Clyde.

"Ay kawawa naman ang Clyde na yan.."pang aasar sa kanya ni Haeven.

"Okie lang.. andyan naman si Haeven ehh"nakangiting sabi ni Clyde."Single ka ba?"tanung pa nya sakin.

Binatukan naman sya ni Kian na ikinatawa namin.

Unexpected Feelings Where stories live. Discover now