CHAPTER 35

29 1 0
                                    

Haeven's POV

Mabilis na lumipas ang dalwang taon at graduate na ako ng senior high. Bakasyon na ngayon at 1st year college na ako sa pasukan, si Thyme naman ay ma-2nd year college na.

2 years na rin kami ni Thyme, nung nag anniversary nga kami hirana nanaman nya ako sa school eh, sa harap ng mga tao.

Kakauwi ko lang dito sa bahay, nag bonding kasi kami ng mga friends ko sa bahay nila Reign.

Pagpasok ko sa sala namin ay nakita kong tahimik na nakaupo sila kuya at mama.

"Ano pong meron? Bat ang tahimik nyo?"basag ko sa katahimikan.

"Haeven, kelangan mo na mag transfer ng school"diretsahang sagot ni Mama sakin.

"What?! Bakit?"

"Kasi kailan-"

"At saan naman ako matransfer ma?!"hindi ko na napigilan na hindi mainis.

"Haeven, wag ka ngang sumigaw!! Si mama yang kausap mo"ani kuya rayven pero hindi ko sya pinansin.

"Sumama ka sa Tita tin mo doon sa Cebu, don ka na mag aral"ani Mama.

Kumunot ang noo ko."Bakit, Ma? Bawal ba ako mag college dito? Bakit sa Cebu pa? Ang layo layo"

"Dahil lilipat na doon sila Tita Tin mo dahil nandun ang negosyo nya!! At doon kita pinapag aral para may kasama si Reidan!!"

Si Reidan, pinsan ko.

"Pero Ma, malaki na si Reidan, mag kasing edad lang kami kaya bakit kelangan nya pa ng kasama mag aral don?"

"Dun ka na nga lang daw mag aral kesa dito"sabi naman ni kuya rayven.

"Tama si kuya rayven mo"sabi naman ni mama.

"Ayaw ko nga mapalayo sa inyo, Ma pero b-bakit ba pinagtatabuyan nyo akoo?!"nalaglag ang panga ni Mama sa sinabi ko.

Bumagsak na pati ang mga luha ko dahil sa frustration.

"At higit sa lahat, hindi ko rin kaya mapalayo kay Thyme!"sabi ko pa.

"Yon!! Yan yung dahilan kung bakit ayaw mo mag aral sa Cebu!! Haeven, hindi ko kaya ang bayarin sa tuition nyong magkakapatid kaya si Tita Tin mo ang tutulong sayo para sa pagcollege mo!! 3 na kayong anak ko na college, tingin mo kaya ko ang tuition nyan?! Ang mahal pa naman ng tuition nyo!! Kaya sana naman... kung maaari makipag break ka na lang kay Thyme kasi sya yung dahilan kung bakit ayaw mo mag aral sa cebu!!"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Mama. Ako makikipagbreak kay Thyme? Hindi ko kaya..

"Ma, naman..."humagulhol na ako.

"Haeven.."dinig kong boses ni kuya serven.

"Ano?? Mas pipiliin mo bang hindi makapag college para lang hindi ka mapalayo kay Thyme?!"sigaw sakin ni Mama.

"Ma, tama na"saway sa kanya ni kuya serven.

"Ano ba serven!! Bakit kinakampihan mo yang kapatid mo?!"

"Gusto ko lang naman na dito ako mag aral eh para kasama ko si Thyme at pati na rin k-kayo"sabi ko.

"Pero hindi ko na nga kaya bayaran ang tuition mo!! Sapat lang ang sweldo ko para sa tuition nila kuya mo kaya si Tita tin mo muna ang mag papa aral sayo at dahil 4th year college naman na si kuya serven mo pagkatapos nya mag aral saka ka babalik dito at ako na ulit ang mag papaaral sayo!! Hindi mo ba naiintindihan mo ba yun, Haeven? Matalino ka naman diba?!"

Unexpected Feelings Where stories live. Discover now