CHAPTER 19

33 2 0
                                    

Haeven's POV

Kinaumagahan maaga akong nagising at sabay-sabay kami ngayon kumakain nila kuya.

"Haeven.. bakit pala always na kayong magkasama ni Alfie?"natigil ako sa pagkain dahil sa tanong ni Kuya Rayven.

"Ewan ko don, basta sya ang unang nakaalam na may gusto ako kay Thyme"sagot ko.

Pagkatapos namin kumain ay sabay na kami ni kuya rayven pumunta ng school, si kuya serven naman ay pumunta na rin sa school nya.

Pagdating ko sa classroom ay maya-maya ay nagsimula na rin ang discuss.

••••

Mabilis namang natapos ang klase namin ngayong araw..at kakagaling ko lang sa visual arts room pero hindi muna ako uuwi kase niyaya ako ni Alfie na magtambay muna sa field kahit saglit lang.

"How's your day?"Alfie asked me.

"Okay lang"mahinang sagot ko.

Nilibot ko ang tingin ko at bigla kong nakita si Calvin at Justin. Lumapit naman sila sa amin ni Alfie.

"Hoy Alfie at Haeven pwede magtanong?"saad ni Justin habang umuupo sa tabi namin ni Alfie.

"What bro?"Alfie answered him.

"Ano ba talaga? Bakit ba lagi na kayong magkasamang dalawa?"kunot noong tanong ni Calvin.

"Wala nga, okay?"sagot ni Alfie.

"Susss! Di kami naniniwala! Ano ba talagang meron sainyo?"pangungulit nila Justin.

Sabihin ko na kaya sa kanila?

"Because.."mahinang sabi ko.

"Because?"takang tanong nila Justin at Calvin sakin.

"Don't tell me, sasabihin mo sa kanila?"Alfie asked me.

Kumunot naman ang noo nila Justin."Sasabihin? May dapat ba kayong sabihin samin?"

Bumaling ako kay Alfie."Mapagkakatiwalaan naman siguro sila Alfie"ani ko.

"Ikaw, bahala ka"sagot nya.

Bumuntong hininga ako at nilingon ulit sila Calvin.

"Si Alfie kasi ang unang nakaalam na.."

"Na ano?"takang tanong nung dalwa.

"Na may gusto ako kay....Thyme"ani ko at mariin na pumikit.

Pagdilat ko ng mata ay kita ko sa mukha ang pagkagulat ni Justin at Calvin dahil sa sinabi ko.

"You like h-him?!"Justin asked.

"Bro, pakihinaan naman yung boses mo"saad ni Alfie kay Justin.

"Sorry bro, nabigla lang ako sa sinabi ni Haeven"

Tumingin ako kay Alfie at parang nahalata naman na nya ang pinapahiwatig ko na sya nalang ang mag explain kila Calvin.

Inexplain naman ni Alfie ang lahat kila Calvin kung pano nya nalaman na may gusto na ako kay Thyme at kung bakit lagi nya akong sinasamahan simula nung iniiwasan ko na si Thyme. Pagkatapos ni Alfie mag salita ay ako naman ang nagsabi kila Justin na kung kailan ko napagtanto na may gusto na pala ako kay Thyme.

"So simula nung napagtanto mong may feelings ka na kay Thyme ay iniwasan mo na sya kasi alam mong may gusto syang iba right?"Justin asked at tumango na lang ako.

Unexpected Feelings Donde viven las historias. Descúbrelo ahora