CHAPTER 27

28 2 0
                                    

Haeven's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. At ngayon? February 14 na! Mamayang hapon na ang Mr. & Ms. FEU. Kumpleto na rin ang mga iba't iba kong damit para sa pageant.

"Happy birthday, Haeven!!"bati sakin nila kuya at Mama.

I smiled and say thanks to them.

Gusto sana ni Mama mag handa ngayong birthday ko kaso sabi ko wag na dahil buong maghapon naman akong nasa school kaya ang napagdesisyunan nya ay kapag nanalo ako sa pageant ay double celebration ang gaganapin next day. Ewan ko ba kila Mama at sa mga friends ko, confident sila na ako daw ang mananalo..samantalang ako? Kinakabahan.

"Happy birthday baby..."salubong sakin ni Thyme. Niyakap nya ako.

Madalas nya ako sunduin kahit pwede naman akong sumabay kay kuya rayven papuntang school.

"Thank you, Thyme. Happy hearts day"I smiled and hugged him back.

"Happy hearts day baby. Galingan mo mamaya sa pageant ah?"ngumiti sya at kinalas ang pagkakayakap sakin.

"Feeling ko di ako mananalo"I pouted.

Nilapit nya ang mukha nya mukha ko."Really huh?"aniya. Sa sobrang lapit ng mukha nya sakin ay naamoy ko ang mint mula sa kanyang bibig. Ang bango sobra.

"Fine baby. Kahit di ka manalo..champion ka naman sakin"tumawa sya.

"Ewan ko sayo!"natatawang sabi ko at tinulak sya ng bahagya.

Pumunta na kami sa school. And dahil Valentines Day ngayon ay maraming booths ang nakalagay sa school. Blind date, marriage booth, harana and confession wall booth, shout out booth, photo booth, food booth, gift booth, book booth at madami pang iba.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong campus at napansin ko lang na ang daming nakared. Naalala kong may color coding nga pala ngayong valentines day kaya nag suot ako v-neck shirt na kulay green means bitter. May mga meaning ang mga kulay ng shirts like color red means in a relationship, white means study first, orange means na friendzone..basta lahat ng kulay ng damit na suotin ngayong araw is may meaning.

Napatingin ako kay Thyme. Naka V-neck shirt sya na color grey. Grey means rejected. Nireject ko na ba sya?

"Nireject na ba kita?"I asked Thyme while I'm looking at his shirt.

"Huh?"kunot noo syang tumingin, napatingin din sya sa shirt nya dahil dun ako nakatingin.

"Grey means rejected right?"tumaas ang kilay ko.

"Trip ko lang naman. I don't want the other color. Gusto ko sana red shirt but I'm not yet in a relationship with you"aniya, natatawa.

"Gusto ko nga din sana mag suot ng dress na red kasi birthday ko naman kaso pagdating dito sa school in a relationship ang meaning kapag naka red"sumimangot ako.

"That's why you wear green? Bitter ka, Chent?"humalakhak sya.

"Eh bitter man talaga ako"ngumisi ako.

"You should wear red"ngumisi din sya.

"At bakit?"

"Para isipin nila na tayo na"kinindatan nya ako at inakbayan. Umirap na lang ako.

Habang naglalakad kami papunta sa classroom nila ay nakaakbay pa rin sya sakin.

Maraming nakatingin pero sanay na ako.

Unexpected Feelings Where stories live. Discover now