CHAPTER 15

32 3 0
                                    

Haeven's POV

It's Saturday and andito ako ngayon sa ice cream parlor at kasama ko si Thyme.

"Uy Chent" napatingin ako kay Thyme nang tawagin nya ako.

"Ano?"

"Bukod sa chopsuey na niluto mo for me..bakit nilutuan mo din ako ng porksteak? Alam mo ba na favorite ko yun?"ngiting sabi nya.

"I asked Justin kung anong favorite food mo"

Mas lalo namang syang napangiti."I see"

"Napansin ko lang Thyme..nung una pa lang tayong naging magkaibigan, ngumingiti ka naman sakin pero kita sa mga mata mo na malungkot ka dahil nga may boyfriend na yung crush mo na si ano.. pero ngayon napapadalas na yang pagngiti mo eh.. improving ah"sabi ko habang pinaniningkitan sya ng mata.

"Syempre dahil sayo"

Natigilan naman ako dahil sa sinabi nya.

"H-ha?"takang tanong ko at napaiwas naman sya ng tingin dahil mukhang nagulat din sya sa sinabi nya.

He licked his lower lip.
"I mean..always mo ako napapangiti.. k-kase you're kind to me kahit na minsan ay makulit ka, you always comfort me saka lagi kang nandyan para sakin"

"Ahh.. sus wala yon! Friend kita e"ngiting sabi ko.

Ngumiti naman sya at nagkwentuhan pa kami saglit pero maya-maya ay nagpasya din kaming umuwi.

Pagsapit ng linggo ay nag simba lang kami nang alas 8 ng umaga at bukod dun ay wala na ako ibang ginawa sa bahay kundi.. maglinis, magluto at manood ng tv.

•••••

Monday na ngayon.. hays hayss ngayon na ang 1st Grading Examination namin pero half day lang kami ngayon kase bukas naman mag eexam sa ibang subject pero half day din ulit bukas.

"Kinakabahan ako omg"sabi ni Reign habang may hawak na reviewer.

"Shunga! Panong di ka kakabahan e hindi ka nag review these past few days, ngayon ka lang magrereview kung kelan mamaya na yung exam"natatawang sabi ko.

Sumimangot naman sya"Porket nag review ka haeven e"

"Good morning Reign and Haeven"dinig kong boses ni Thyme at Alfie mula sa likuran namin.

Umupo si Thyme at Alfie sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"Walang maganda sa umaga"kunwaring masungit na sabi ko.

Kumunot naman ang noo ni Thyme.

"What? Anong sinasabi mo Chent na walang maganda sa umaga? Eh umaga pa nga lang ang ganda mo na ehh."sabi ni Thyme at nagtilian naman ang mga kaibigan ko.

Napatingin naman ako kay Alfie at ngiting-ngiti sya sakin.

"Grabe, kasama ba yan dun sa mga nireview mo Thyme?"natatawang sabi ko at natawa rin naman si Thyme.

"Oo kasama ka daw sa nireview nya"saad ni Alfie sabay halakhak.

"Ewan ko sainyo! Bumalik na nga kayo sa classroom nyo puro kayo kalokohan.. kaaga-aga e"

Ngumiti ng nakakaloko si Alfie."Atleast puro lang kami kalokohan kaysa naman sa iba dyan niloko lang haha"sabi nya nanaman at natawa naman si Thyme.

Unexpected Feelings Where stories live. Discover now