1

584 23 0
                                    


April 14 2020, nangyari ang isang freak accident sa isa sa mga classroom sa ikapat na palapag ng lumang building na nagsanhi sa pagkamatay ni Maria Gonzales.

Sampung taon na ang nakakalipas pero nagiwan parin ng pagkakataka ang sanhi ng pagkamatay ni Maria base sa mga imbestigasyon isang accidente lang ang nangyari na hindi naiwasan dahil din sa nangyari nasibak ang mga namamahala ng eskwelahan at temporarya itong naipasara dahil sa pag-violate ng mga batas sa mga construction ng mga building nito na nagsanhi dito.

Naalala pa ni Juan noon ang malungkot na graduation nila dahil sa pagkawala ng kanilang popular na kaklase na kinahahangaan ng lahat at hindi matamo ni Juan kung paano nangyari na naging accidente lang ang pangyayari. Sisiguruhin nyang malalaman nya ang tunay na nangyari

Pero kahit anong subukan gawin ni Juan wala syang nahanap sa kanyang paghahanap at pagsasaliksik. Ano ba talaga ang nangyari kay Maria?

Sa bawat kanyang paghahanap hindi nya maiwasan na para ba sya ay paikot ikot lamang at para bang may kulang sa kanyang imbestigasyon isang pirasong hindi nya mahanaphanap

Para bang nasadulo na ng kanyang mga dila ang sagot munit pinipigilan itong mabangit ng kung ano man sa huli..

"Juan!" Nagising si Juan sa sigaw ng kanyang ina na lumuluha at doon nga sya napatayo sa kanyang kinauupuan na desk na puno ng mga litrato ni Maria at napatingin dito

"Ang papa mo" Aniya ng kanyang ina at doon nga nanganagulat sya sa mga salitang binangit ng kanyang ina ang boses nito ay halos nag cracrack na sa kalungkutan at napasandal ito sa kanya

Hindi maiwasan na kailangan ni Juan bigyan ng importansya ang ibang mga bagay at hindi maiwasan na malimutan nya na rin si Maria dahil sa limitadong oras na natitira para sa kanyang sarili

Pagkatapos ng kanyang matyagang pagaaral at pagtratrabaho ng sabay nakamit nya na makagraduate at makakuha ng trabaho at hindi nya maiwasan na magulat na lang sa kanyang muling pagtayo sa parehong gate na dati nyang pinasukan noon bilang isang estudyante

"Isa ka narin palang guro ngayon" Tinawag si Juan ng isang boses sa kanyang likod at agad syang lumingon dito at ibinaba ang kanyang mga hawak na kahon na kanyang bitbit

Ngumiti si Juan sa kanyang dating professor na si Sir Antonio, "Kamusta na po. Sir"

Napangiti din si Sir Antonio ang kanyang muka nya ay may bakas na ng katandaan, "Naalala mo pa pala ako"

"Syempre naman sir, ikaw lang naman ang kilala kong Gwapong! lalaki sa school" Ngumisi si Juan kay sir Antonio

"Kagaya ka parin ng dati, Juan" Hinampas ni Sir antonio ng malumanay ang likod ni Juan, "Ano na kaya ang nangyari sa mga iba mong kaklase?"

"Nakikita ko pa rin si Carlo" Aniya ni Juan sa proffesor at napataas nga ito ng kilay sa kanyang sagot

"Si Carlo? Isa na ba syang athleta ngayon?" Tanong ni Sir Antonio kay Juan at umiling nga ito at sumagot. "Isa syang modelo"

"Isang modelo? Hindi na rin masama pero inaasahan ko talaga syang maging isang atleta dahil paulit-ulit nya itong binabangit saakin noon" Wika ni Sir Antonio, "Hmm." Nahawak nga ito sa balbas nya, "Nakakadismaya naman Mukhang naranasan ni Carlo ang realidad ng buhay"

"Realidad ng buhay?" Inulit ni Juan ang sinabi ni Sir antonio na may pagtataka, "Maraming taong gusto maging isang modelo Sir"

Tinapik ni Sir Antonio ang balikat ni Juan, "Lahat ng tao gusto ng mga bagay na wala sila, Juan"

"Ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng isang tao ay hindi ang kamatayan ng kanilang minamahal kundi ang mga pangarap na hindi natupad at ang mga salitang hindi nasabi" Nagbigay ng manipis na ngiti si Sir Antonio, "Tingnan mo ang cementeryo at doon marami kang mahahanap na mga pangarap na ibinaon kasama sa mga yumao"

MariaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang