2

388 14 0
                                    

Pagbalik ng maayos na paningin ni Juan nawala ang multo ni Maria at doon nya nakita ang mga bakas ng mga maputik na sapatos na papunta kung saan

Lumunok si Juan at gamit ang kanyang natitirang tapang sinundan nya ang bakas at hindi nya maiwasan maalala ang mga nagdaang araw noong sya ay isang estudyante pa

Hawak ang rehas unti unti syang umakyat ng hagdan at nagtungo dito sa dating classroom kung saan nangyari ang trahedya

Nakita nya ang parehong likod nanaman ni Maria at ngayon ito ay nakatingin sa parehong bintana isang basahan ang kanyang nasa kamay

Sinubukan pumasok ni Juan sa classroom munit para bang may isang mabigat na pwersang tumutulak sa pinto kahit bukas ito kaya ang tangi nya lang magagawa ay magmasid at pagmasdan si Maria na lumapit sa bintana

Ang bawat yabag ni Maria ay unti unting dumudurog sa puso ni Juan. alam nya ang sunod na mangyayari at para bang sya ay binibiro ng kung ano mang espirito o multo na nasa kanyang harapan

Nakita nya ang pagtalon ni Maria na para bang may inaabot sa itaas at dahil hindi nya abot ang kung ano mang kanyang inaabot hinila nya ang upuan sa kanyang tabi at tumungtong dito

"H-hindi" Umiling si Juan at agad nyang sinubukan bukasan ang pinto muli munit ayaw pa rin nitong bumukas, "Maria!" Sigaw nya dito

Sinuntok nya ang pinto at sinipa pero wala syang magawa nakita nyang mawalan ng balanse si Maria at nahulog sa bukas na bintana. Nanlumo si Juan at sinubukan nyang maging matatag alam nyang patay na si Maria pero hindi pa rin nya matangap ito lalo na at nakita nya ito mismong nangyari sa kanyang harapan

Iniuntog ni Juan ang kanyang ulo sa pinto at ipinikit ang kanyang mga mata habang sya ay huminga ng mabagal

"Tulong" Takot na takot na tawag na wika ni Maria at doon napansin ni Juan ang mga daliring nakasabit pa rin sa bintana, "Tulong!!!"

"Maria!" Tawag ni Juan at sinubukan nya muling buksan ang pinto at napangiti sya ng nakita nyang bumukas ito munit nagbago na ang classroom na kanyang binuksan ang mga berdeng pader ngayon ay napalitan na ng dilaw pati na rin ang mga upuan na kahoy ay napalitan na ng plastic

"Ayos lang po ba ang pakiramdam nyo, sir?" Tanong ng isang lalaking estudyante kay Juan, kinilatis ni Juan ang estudyante at nakita na may hila hila itong bag ng basura

"Kanina pa ang uwian bakit nandito ka pa?" Tanong nya sa lalaking estudyante at sumagot ito kay Juan, "Pauwi na rin po ako sir"

"Sige umuwi ka na" Aniya ni Juan at sabay sya ay nagpatuloy sa kanyang paglalakad papunta sa parehong bintana kung saan napahinga sya ng malalim at ang kanyang mga mata ay namulat sa kanyang nakita

Nakita nya na nasapinakababang palapag si Maria na nakahiga sa sahig at nakatitig pabalik sa kanya meron itong binigkas munit hindi ito maintindihan ni Juan. Tumayo laman si Juan doon at pinagmasdan ang dahang dahang pagkawala ng buhay ni Maria

Napasandal na lamang si Juan sa tabi at napalingon sa kanyang likod ng narinig nya ang paglagapak ng pinto at kahit napakabigat ng kanyang katawan bumalik sya sa paglalakad at nanatiling na naglakad hangang sa hindi nya na muli nakita ang eskwelahan

Narinig nya ang pagriring ng kanyang cellphone na nagpukaw sa kanyang attensyon at doong sa kanyang pagsagot nakita nya ang mga miss call ni Anna sa kanya. Kagaya pa rin ng dati si Anna laging masayahin at palatanong tungkol sa mga bagay bagay

Nung namatay si Maria siya ang isa sa mga taon nakita nyang humagulgol para na sila halos magkapatid at doon nga naalala ang isa pang babaeng malapit kay Maria. Si Lisa na lagi na lang nakasimangot sa tabi ni Maria hindi nya nga alam kung bakit pa pinipilit ni Maria makipagusap dito dahil halos lahat ng lumalabas sa bibig ni Lisa ay puno lamang ng pagkairita o dismaya

MariaWhere stories live. Discover now