5

4 0 0
                                    

"Ano naman kinalaman noon?" Hinawi ni Lisa ang kamat ni Juan, "Pano ka ba nakakasiguro na nahulog yan doon sa mismong estranghero at hindi ito inihulog sadya"

Napaisip si Juan sa sinabi ni lisa at doon na nga nagsalita si Anna, "Teka pwede ba tama na! Hind-hindi ko maintindihan ano ba talaga ang nangyayari dito"

"Gusto mo kaming makausap sinabi na namin ang sagot sa tanong mo pwede naba kami umuwi?" Tanong ni Anna kay Juan, "Gusto ko ng umuwi at kalimutan lahat ng to"

"Pero meron kung ano man na umaatake satin" Sagot ni Juan ka Anna atsaka nya ito hinawakan sa mga balikat nito, "Merong umiisa isa satin mga magkaklase hindi lang kayo ang mga taong inanyayahan ko pero kayo lang ang sumagot saakin"

"At sakto naman na tayo lang ang mga mukang hindi naka ekis sa class picture" Explanation ni Juan

"Pano naman namin masisisguro na hindi ikaw ang umiisa isa sa bawa't kaklase natin at dahil lang hindi sila nag reply doesn't mean may nangyari na" Saba't ni Lisa

"Pano ko naman magagawa yun kung merong ibang tao ang nasa location kung saan yun nangyari" Sagot ni Juan, "At ilang buwan na rin ako dito kung gusto ko attakihin si Sir Antonio dapat ginawa ko na yun dati pa"

"Pagnahiwahiwalay tayo ngayon baka merong masamang mangyari at alam kong hindi ito masyadong malinaw sayo ngayon pero buhay at kaligtasan natin ang nakataya dito" Dagdag ni Juan

"Juan" Nagsalita si Carlo at doon nga nito itinuro ang nakabukas na pinto sa kanyang likuran at ang pagkawala ni Lisa

"Si Lisa" Agad na hinagilap ni Juan si Lisa, "Lisa!" Sigaw nya sa pasilyo ng hospital at doon nga nya nakita ang pagpasok ni Lisa sa loob ng elevator at ang paghawak nito sa isang telefono na parang may kausap

Sinubukan ni Juan patigilin si Lisa pero ganap na sumara ang pintuan ng elevator at naiwan saya na nakatitig lamang sa bakal na pinto pinindot nya ang button ng elevator munit nakita nya ang direksyon kung saan ito papunta at doon nga nya binaling ang attensyon sa hagdan

"Juan!" Narinig nya ang sigaw ni Anna sa kanyang likod pati na rin ang mga ungol ni Carlo na sinukan humabol sa kanila kahit sa kanyang pagkakabugbog

Bumaba si Juan sa hagdan ng mabilisan hangang sa mapadpad na nga sya sa may parking lot ng hospital at doon nya nga nakita si Lisa na naglalakad at merong kinakausap sa kanyang telefono

"Alam kong meron kang alam tungkol dito Ma-" Narinig ni Juan ang boses ni Lisa bago tuluyang mawala ang ilaw ng parking lot

Pagbalik ng ilaw ang tangi na lamang nakita ni Juan ay ang telefono ni Lisa na nasa sahig at doon nga bumukas ang pintuan ng elevator

"Dahan dahan lang Anna" Narinig ni Juan na sinambit ni Carlo kay Anna habang sila ay papalabas ng elevator at doon nga napatitig si Anna kay Juan at ang hawak nya

"Nasaan si Lisa?" Tanong ni Anna kay Juan sabay ang kanyang pagbaba ng kanyang kamay na umaakay kay Carlo

Napadila ng labi nya si Juan. "Wala na sya"

"Anong wala na sya? Seriouso ka ba Juan?!" Tanong ni Carlo, "Isang malaking babae si Lisa hindi na lang sya biglang mawawalang parang bola"

"Namatay yung ilaw Carlo" Sagot ni Juan, "Tapos nawala na sya"

"Tayong tatlo na lang ang natitira" Dagdag ni Juan

"Anong gagawin natin kung ganon?" Tanong ni Anna kay Juan at agad na sumagot si Juan, "Kaylangan natin magsama sama"

Napakunot ang noo ni Anna. "Hindi ba mas delikado yon?" at tumingin si Anna kay Carlo, "Lahat ng mga target nya nasa iisang lugar lang hindi ba mas magiging madali na lang sa kanya na sabay sabay tayong attackihin"

"Pero hindi nya ginawa diba" Sabat ni Carlo, "Isa lang sya tatlo tayo at bakit hindi na lang tayo tumawag ng police?"

"Anong gusto mo sabihin natin sa kanila? Wala tayong ebidensya" Sagot ni Juan

"Kahit na subukan natin tumawag manlang" Inilabas ni Anna ang kanyang telefono pero bago nya pa ito ma dial agad ito kinuha ni Juan at ibinato sa tabi, "Yung cellphone ko!'

Hinila ni Carlo ang kwelyo ni Juan, "Ano satingin mo ang ginagawa mo?"

Nagsalita si Juan, "Pano kung kasagwat nila ang police"

"Pano ka naaman nakasigurong kasagwat nila ang police?" Tanong ni Carlo sabay nya ibinaba ang pagkakahawak kay Juan, "Hindi kita mapapagkatiwalaan Juan"

Inilabas ni Carlo ang cellphone nya at ibinigay kay Anna, "Tumawag ka ng police, Anna"

"Huwag ka tumawag ng police, Anna" Sabat ni Juan

Napatitig si Anna sa dalawa at nagsimulang manginig ang kanyang kamay hindi sya makapag desisyon kung anong gagawin

Nagtitigan si Juan at Carlo sa isa't isa at doon na nga binuksan ni Carlo ang kanyang bibig, "Meron ka bang gusto kay Maria?"

Napalunok si Juan at napaisip munit sa huli ay nanaig parin ang emosyon na pinilit nya itinago ng matagal, "Gusto ko si Maria"

"At hindi ko sya magagawang saktan" Dagdag ni Juan

Ang mga kamay ni Carlo ay naghulma na maging kamao at doon sya lumingon kay Anna, "Sige wag tayo tumawag ng police"

Umiling si Anna at inilagay ang telefono sa kanyang tenga, "Hello. Nandito po kami sa may hosp-" Nagsimulang namatay muli ang mga ilaw

"Magsamasama tayo" Sigaw ni Juan at agad nyang hinawakan ang kamay ng kung sino man na kanyang nahawakan at gamit ang telefono ni Lisa na nagsilbing ilaw nagulat sya sa malayo ay nakita nya ang parehong mukha ni Maria munit ngayon ay mas matanda na nakatigin sa kanya

"Maria?!" Sinubukan habulin ni Juan si Maria munit napansin nya ang nakahawak na kamay sa kanya at doon nya ito pinailawan at nakita si Anna na nakatitig sa kanya na may bilugan na mata

"Anong sinabi mo Juan?" Tanong ni Anna sakanya bago nawala ang ilaw ng cellphone binuksan muli ni Juan ito at doon nga nakita nya si Anna na nakatingin sa direksyon kung saan tumakbo si Maria papalayo

Sunod ay sawakas bumalik ang ilaw munit meron isang taong kulang sa kanila doon nga nila nakita na wala na si Carlo sa parking lot at ngayon sila ay dalawa na lamang doon

"Hindi tayo ligtas" Wika ni Anna kay Juan

"Pwede tayong pumunta sa bahay ko" Dagdag ni Anna

MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon